PINANGUNAHAN ni Senador Lito Lapid ang distribusyon ng sahod sa 3,800 na kasapi ng iba’t-ibang sektor sa Borongan City, Eastern Samar mula sa programang AKAP ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinalubong sina Sen. Lapid at Kuya Mark Lapid ng mga opisyal at miyembro ng Phil. Guardians Brotherhood Inc. (PGBI) sa Eastern Samar.
Kasama rin sa payout sina 4Ps Partylist Rep. Marcelino Libanan at Vice-Gov. Maria Caridad Goteesan.
Todo pasalamat naman kay Sen. Lapid ang mga benepisyaryo ng DSWD-AKAP.