HIGIT 400 SIYUDAD AT MUNISIPALIDAD ISINAILALIM SA PINK ZONE STATUS SA PINK ZONE STATUS

NABAWASAN ang bilang ng mga siyudad at munisipalidad na naibaba na sa pink zone status mula sa red zone o pagiging infected.

Sa inilabas na zoning update ng National ASF Prevention and Control Program, bumaba sa 457 siyudad at munisipyo ang nasa pink zone habang aabot naman sa 100 siyudad at munisipyo ang na-upgrade sa yellow zone mula sa pink zone.

Ang pink zone status ay nagsisilbing buffer kung saan walang naitalang ASF ngunit katabi ng isang infected zone at mga lugar na hindi nakapagtala ng ASF sa loob at hindi bababa sa 90 araw.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang ginagawang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA) para maiwasan ang pagkalat ng ASF at masuportahan ang mga hog raiser.

Kabilang na rito ang pagtatayo ng livestock inspection areas o checkpoints bilang pinahigpit na biosecurity measures sa ilang lugar sa bansa.

Nakatakda na rin ang controlled ASF vaccination sa ilang lugar na may outbreak ng sakit, partikular ang Batangas.
PAULA ANTOLIN