MAY kabuuang 639,323 motorista ang hinuli ng Land Transportation Office (LTO) dahil sa iba’t ibang traffic violations noong 2024.
Sa isang statement, sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na mas mataas ito ng 20.75% kumpara sa 529,439 drivers noong 2023. Ito’y dahil sa mga bagong istratehiya para ipatupad ang road safety rules and regulations.
Karamihan sa mga motorista ay hinuli sa LTO-CALABARZON na may mahigit 109,159 motorista o mas mataas ng 144.11% kumpara noong 2023.
“I commend our enforcers for going the extra mile in enforcing traffic rules and regulations. Most of them even went on duty at night and even in the wee hours in the morning just to enforce the law,” sabi ni Mendoza.
Samantala, nagsagawa rin ang LTO ng night operations upang hulihin ang colorum operations at trucks na lumabag sa road safety regulations.
May kabuuang 29,709 sasakyan ang na-impound noong 2024, na mas mataas ng 21.93% kumpara sa 24,366 noong 2023.
“Let these results of our operations serve as a reminder to motorists that we will further strengthen our operation to ensure that all motorist follow traffic laws,” ani Mendoza.