HIGIT sa 90,000 sako ng imported rice ang nakahanda na para ipamahagi sa iba’t ibang accredidted outlets ng National Food Authority (NFA) sa Bicol, ayon sa NFA spokesperson kamakailan.
Sa isang panayam, sinabi ni Nelsie Alcantara, na ang kasalukuyang imbentaryo ng bigas ang may indikasyon na ang buffer stock ng NFA na 95,588 ay makakaalalay ng konsumo ng bigas sa rehiyon para sa 10 araw.
Puwede pang madagdagan ang buffer stocks kapag ang 164,000 sako ng imported rice mula sa Thailand ay maididiskarga lahat ngayong linggo, aniya.
“The ongoing unloading should have been completed but was hampered due to bad weather condition prevailing during the past days,” sabi pa ni Alcantara.
Samantala, lumikha ang Regional Task Force nitong Setyembre para mag-monitor ng supply, accessibility at presyo ng bigas sa merkado, at nagreport na hindi pa sila naka-engkuwentro ng anumang kaso ng pag-iimbak ng bigas, pagmamanipula ng presyo sa mga trading outlet na kanilang inimbestiga at inimbentaryo noong nakaraang linggo.
Ang task force ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, at ang Department of Justice.
Sinabi ni Alcantara na kahit paano ay may 39 malalaking rice trading outlets sa Bicol na inimbestigahan at inimbentaryo. Ang NFA ay may 2,210 accredited rice outlets sa Bicol.
Nagbebenta ang NFA ng imported rice sa halagang PHP32.00 bawat kilo, habang ang ahensiya ay pumayag sa mga konsyumer na bumili ng pinakamarami na ang 20 kilos bawat araw mula sa accredited NFA outlets.
Ang commercial rice sa Albay ay ibinebenta ng PHP42 bawat kilo para sa regular milled rice, PHP43 hanggang PHP45 bawat kilo para sa well-milled rice. PNA
Comments are closed.