HIGIT P1.3-B AGRI, INFRA DAMAGE NG HABAGAT, 2 BAGYO

LAGPAS na sa P1.3 billion ang pinagsamang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastruktura ng Habagat na pinalakas ng mga bagyong Goring at Hanna, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang latest disaster bulletin, sinabi ng NDRRMC na ang agricultural damage ay tinatayang nasa P623.8 million sa Cagayan Valley, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera Administrative Region (CAR).

Nasa 17,801 magsasaka at mangingisda ang apektado. Samantala, ang infrastructure damage ay tinatayang nasa P727.2 million sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Mimaropa, Western Visayas at Cordillera.

May kabuuang 1,378 bahay ang iniulat na nawasak sa pitong rehiyon.

Ang mga apektadong pamilya ay nasa 140,095 na katumbas ng 514,016 tao na naninirahan sa 1,757 barangays sa walong rehiyon.

-(PNA)