NAG-ABISO na ang ilang kompanya ng langis na simula ngayong araw ng Martes, Hulyo 2, magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Total, Unioil at Eastern Petroleum, tataas ng P1.20 ang kada litro ng gasolina habang P0.95 naman ang itataas sa kada litro ng diesel.
Tataasan din ng Shell at Seaoil ng P1 ang presyo ng kada litro ng kerosene.
Sa pagtaas ng presyo ng langis, magkakaroon naman ng rollback sa presyo ng LPG na naging epektibo simula kahapon, Hulyo 1.
Nasa P3.40 ang bawas ng Petron at Phoenix LPG Philippines sa kada kilo ng kanilang LPG at P1.90 bawas sa kada litro ng au-to-LPG.
Tinapyasan din ng Eastern Petroleum ng P3.40 ang kada kilo ng kanilang LPG.
Nasa P3.36 ang bawas-presyo ng Solane sa kanilang LPG.
Comments are closed.