AABOT sa mahigit P15 milyong halaga ng mga misdeclared na produktong pang-agrikultura na nagmula sa China ang nasabat ng Bureau of Customs kamakailan.
Ang mga nasabing kargamento ay magkasunod na dumating sa Manila International Container Port (MICP) kung saan matapos ang isinagawang eksaminasyon ng customs ay natuklasang kaduda-duda ang idineklarang timbang at halaga nito.
Tinatayang nasa P15.5 milyon ang halaga nito at ang ibang laman ay idineklarang 3,300 kahon ng mansanas ngunit natuklasan na ang container ay naglalaman ng pulang sibuyas.
Idineklara rin ang dalawa sa kargamento na red beans ngunit ang laman nito ay 5,300 sako ng asukal.
Habang ang iba pang kargamento ay idineklarang 1,058 kahon ng t-shirts pero 200 sako ng bigas ang laman, 1,300 kahon ng iba pang food products, 30 kahon ng gamot at 425 kahon ng non-perishable items.
Inaalam naman sa ngayon kung sino o anong kompanya ang consignee nito at kung saang lugar din ito dadalhin.
Comments are closed.