(Hikayat sa private at public sectors) MAG-HIRE NG MGA SENIOR

Ronnie Ong

ISINUSULONG ni Ang Probinsyano Partylist Rep. Ronnie Ong ang panukala na layong bigyan ng trabaho ang ating mga senior citizen.

Sa House Bill 5362 o Senior Citizens Employment Opportunity Act na inihain ni Ong, hinihikayat ang mga pribado at pampublikong sektor na mag-hire ng mga senior citizens employees.

Inaamyendahan ng panukala ang RA 9994 o  Expanded Senior Citizens Act of 2010 kung saan sinisiguro na lahat ng mga matatanda na kabilang sa below poverty threshold ay mabibigyan ng pagkakataong makapagtrabaho.

Ang mga trabahong ibibigay naman sa mga matatanda ay magagaan lamang batay sa job matches ng Department of Labor and Employment (DOLE), National Commission on Senior Citizens (NCSC) at Civil Service Commission (CSC).

Ayon kay Ong, sa kabila ng maraming discount na ibinibigay sa mga senior ay  hindi naman nila ito napapakinabangan dahil walang panggastos bunsod ng kawalan ng oportunidad para sa kanila.

Ang mga pribadong sektor na magha-hire ng mga senior citizen ay mabibigyan naman ng karagdagang tax deduction sa kanilang gross income.

Ngayong araw ay sinimulan ni Ong at ng DOLE sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay para sa Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang pagbibigay ng trabaho sa mga senior citizen sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA), tatlong oras sa umaga at tatlong  oras sa hapon lamang magtatrabaho ang mga seniors na may minimum salary na P537.

Inihahanda na rin ang MOA sa University of the Philippines (UP) at inaasahang masusundan pa ito ng mga employment program sa ibang mga unibersidad. CONDE BATAC

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *