NADISKUBRE ni Kapuso actress Andrea Torres ang kanyang hilig sa pagnenegosyo sa kasagsagan ng quarantine at kasalukuyan niyang pinagkakaabalahan ang food business na Family Favorites.
Aniya, “Mayroon akong na-discover sa sarili ko na mahilig pala ako mag-business and moving forward, gusto ko pala siyang ipagpatuloy. Nafu-fulfill din ako sa kanya. Maganda rin na na may kinabi-busy-han ako bukod dito sa first love ko na pag-aartista.”
Pagbabahagi pa ng ‘I Can See You’ actress, malaki raw ang naitutulong ng kasintahang si Derek Ramsay sa tuwing nakararanas siya ng problema sa negosyo, “Lagi naman siyang nandiyan talaga para suportahan ako and ine-encourage ako. Lalo na kapag nagpa-panic ako.”
Binabalanse rin daw ni Derek ang kanyang pagiging perfectionist, “Kasi ano ako, e, parang may pagka-perfectionist ako tsaka lahat pina-plano ko. So, kapag medyo hindi umaayon sa plano, medyo uncomfortable ako diyan. Si Derek ‘yung laging ‘Hindi okay lang ‘yan.’ Kasi si Derek naman, binabalanse niya ako. Very carefree.”
Bukod sa pagiging abala sa food business, nagbalik-taping na rin si Andrea para sa drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’ kung saan makakasama niya sina Paolo Contis, Benjamin Alves, at Yasmien Kurdi. Mapapanood ‘yan simula October 12 sa GMA Telebabad.
o0o
DINGDONG BILIB KAY JENNYLYN
Saludo si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa leading lady na si Jennylyn Mercado sa pagtatapos ng kanilang taping para sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.
Sa Instagram post ng aktor, makikita ang dalawa na nagbabasa ng script kasama ang kanilang director na si Dominic Zapata para sa last scene ng kanilang mga karakter bilang sina Capt. Lucas (Dingdong) at Dra. Maxene (Jennylyn).
Post ni Dingdong, “A snappy salute to @mercadojenny for such an excellent and effective performance! Maraming salamat. “Pass your papers” na kami.”
Sa pagtatapos ng kanilang taping, hindi napigilan ni Dingdong na magbalik-tanaw sa kanyang karakter. Sa isang farewell post ay pinakita niya ang combat boots na kanyang ginamit para sa kanyang karakter, “Been wearing these boots for almost a year now to give life to Capt. Lucas Manalo. Now, it is time to loosen these laces to make way for the next journey. Mission accomplished!
Excited naman ang netizens na mapanood ang fresh episodes ng ‘DOTSPh’ sa pagbabalik-telebisyon ng well-loved GMA series.
Comments are closed.