SINUPORTAHAN ng isang ranking official ng Kamara ang kahilingan ng mga medical frontliner, sa pangunguna ng Philippine College of Physicians (PCP), na muling isailalim sa 15-day enhanced community quarantine (ECQ) ang Mega Manila area.
“If our leading doctors are prescribing it, then as good patients, we are all for Mega Manila’s brief return to an ECQ.Our sense is, our public health system is on the verge of collapse, and the momentary return to an ECQ will buy everybody more time to gird for a longer battle against the coronavirus disease,” ang pahayag pa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.
Ayon sa mambabatas, sakaling magbalik-ECQ ang Metro Manila at mga kalapit lugar nito, umaasa siyang gagamitin ng COVID-19 National Task Force ang panahong iyon para aksiyunan ang panawagan at mga kahilingan ng local health professionals.
Kabilang dito ang kakulangan sa health personnel, pagpapalawak ng bed capacities gaya ng paggawa ng makeshift hospitals at quarantine facilities, pagpapabuti sa case-finding at isolation ng suspected Covid-19 cases, pagpapalakas ng contact-tracing at quarantine procedures, upgrading ng public transportation options and safety, pagpapaigting sa workplace protection, mahigpit na pagpapatupad ng public health and safety protocols, pagkakaloob ng sapat na financial at livelihood support sa mga pamilyang labis nangangailangan at iba pa. ROMER R. BUTUYAN
Comments are closed.