HANDA ang Kamara na magpasa ng mas mataas na supplemental budget.
Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, kung kakailanganin na mag-apruba ng P50 bilyong supplemental budget na ayuda para sa muling pagbangon ng mga kababayan sa Taal ay nakahanda itong gawin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Tiniyak ni Romualdez na nakasuporta ang Kamara para mabigyan ng long-term at permanent solution ang mga biktima ng pagsabog ng Bulkan.
Siniguro rin ng House leader na ipaprayoridad nila ang hiling ni Pangulong Duterte na madaliin na ang pag-apruba sa P30 Billion supplemental budget para sa mga lugar na apektado ng pagaalboroto ng Taal.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na ang Kamara sa Malakanyang para sa mga detalye at paghuhugutan ng ipapasang supplemental buget. CONDE BATAC
Comments are closed.