HILING NG AGRI SECTOR: IMPORTED NA BIGAS IBOYKOT

IMPORTED RICE-2

HINILING ng sektor ng agrikultura na iboykot ang mga imported rice na lubhang nagpapahirap sa mga magbubukid at magkaisa ang mga consumer na suportahan ang local rice upang mapalakas ang sariling industriya ng bigas sa bansa.

Sa ginanap na Pandesal Forum sa Kamuning Bakery and Cafe sa Que­zon City, sinabi ni Benjamin Arenas, director ng Organic Resource Biotic Multi-Purpose Cooperative na nararapat na suportahan at tangkilikin ang local na produkto kumpara sa produktong bigas sa ibang bansa.

Aniya, nararapat din na suportahan ang Bigas Natin Movement upang mapababa ang halaga ng presyo ng bigas.

Kasunod nito, sinabi naman ni Dr. Anthony Bravo, leader ng National Confederation of Cooperative (COOP-NATCCO) na dapat higpitan pa nang husto ng pamahalaan ang mga pantalan na ginagawang pasukan para sa rice smuggling.

Inirekomenda rin nito na magkaroon din ng mga sariling seed banking ang bawat probinsiya gayundin ang sapat na patubig sa mga bukirin. BENEDICT ABAYGAR JR.

Comments are closed.