(Hiling ng BJMP) P14.2B PARA SA MGA BAGONG SELDA

HUMIHINGI ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng P14.2 bilyon para resolbahin ang mataas na congestion rate sa mga bilangguan sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, inamin ni BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda na kulang na kulang ang mga selda sa kanilang mga jail facilities sa malaking bilang ng persons deprived of liberty (PDLs).

“Kung tayo ay magpapatayo ng mga karagdagang pasilidad para sa BJMP, mangangailangan talaga tayo ng malaking pondo,” ani Solda.

Ipinaliwanag pa ni Solda na ang naturang P14.2 bilyon na estimated funding ay gagamitin para lamang sa konstruksiyon ng mga bagong selda.

Nabatid na hanggang nitong Lunes, ang populasyon ng mga bilangguan sa bansa ay nasa 119,692 at may congestion rate na 397%. Sa 470 aniya na bilangguan sa bansa, 350 ang ikinukonsiderang congested.

Kabilang sa mga pinaka-congested jails ay ang San Mateo Municipal Jail na may 2,648% congestion rate, Dasmarinas City Jail na may 2,139%, at Cainta Municipal Jail na may 2,072%.

Nauna rito, pinuna ng Commission on Audit (COA) ang BJMP sa congestion rate ng mga bilangguan na umabot sa 403% noong 2020. EVELYN GARCIA

10 thoughts on “(Hiling ng BJMP) P14.2B PARA SA MGA BAGONG SELDA”

  1. I think this is among the most important information for me.
    And i’m glad reading your article. But want to remark on few general things,
    The site style is perfect, the articles is really excellent :
    D. Good job, cheers

  2. 772932 268964Greetings! Quick question thats completely off subject. Do you know how to make your site mobile friendly? My weblog looks weird when viewing from my iphone. Im trying to locate a template or plugin that may well be able to fix this difficulty. Should you have any recommendations, please share. Appreciate it! 379585

  3. 452504 845916I was reading through some of your content material on this internet internet site and I believe this web site is genuinely instructive! Maintain putting up. 239509

Comments are closed.