(Hiling ng Metro mayors) SUPPLY NG COVID VAX DAGDAGAN

HINILING ng Metro Manila mayors sa gobyerno ang karagdagang suplay ng COVID-19 vaccines sa gitna ng tumataas na namang bilang ng kaso ng virus at pagpasok ng pinangangambahang banta ng virus na Delta variant sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, hiniling ng Metro Manila mayors ang karagdagang suplay ng bakuna at maipagkaloob sana ito sa kanila bago pa man ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus na nakatakdang simula sa darating na Biyernes (Agosto 6) at magtatagal ng hanggang Agosto 20.

Ayon kay Olivarez, ang kahilingan ng MMC na karagdagang bakuna ay kanilang ipamamahagi sa pagsasagawa ng house-to-house vaccination sa mga senior citizen at mga indibidwal na mayroong comorbidities.

Sinabi rin ni Olivarez na bunsod ng banta na idinudulot ng mas madaling nakahahawang COVID-19 Delta variant ay napakaimportante para sa lahat ng senior citizens na agad na mabakunahan dahil mas madali na silang kapitan ng iba’t-ibang karamdaman lalo pa sa virus ng COVID-19.

Dagdag pa ni Olivarez na ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination na kanilang ini-iskedyul sa bawat barangay ay isang hakbang ng lokal na pamahalaan upang mabigyan ng proteksyon ang mga residente at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

Matatandaan na sumang-ayon si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa plano ng mga metro mayors sa pagsasagawa ng house-to-house vaccination upang mabawasan ang pagdami ng tao na mgpapabakuna sa mga vaccination centers. MARIVIC FERNANDEZ

9 thoughts on “(Hiling ng Metro mayors) SUPPLY NG COVID VAX DAGDAGAN”

  1. 492346 361895Hiya! Fantastic weblog! I happen to be a everyday visitor to your site (somewhat a lot more like addict ) of this internet site. Just wanted to say I appreciate your blogs and am seeking forward for a lot more! 308275

Comments are closed.