HINILING ng National Food Authority (NFA) na magkaroon ang kanilang ahensiya ng karagdagang pondo upang ipambili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka.
Napag-alamang ang nasabing hakbang ay bilang pagsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tulungan ang mga magsasaka na nagrereklamo sa mababang pagbili ng kanilang palay dahil sa pagpapatupad ng Rice Tariffication law.
Ayon kay NFA Administrator Judy Carol Dansal, walang kakayahan ang kanilang nakalaan na taunang pondo para sa pambili ng mga palay sa mga magsasaka.
Nabatid na gagamitin ang karagdagang pondo para sa pagrenta ng mga bodega sa mga bibilhing palay.
Mayroong P7 bilyon na ibinibigay ang gobyerno na pondo sa NFA kada taon na katumbas ng 9 milyong sako para sa 15 araw na buffer stock. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.