NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na pugutan ng ulo ang mag-asawang pumatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jeanelyn Villavende.
Ayon sa Pangulong Duterte, magtutungo siya sa Kuwait upang hilingin na patawan ng maximum penalty ang mag-asawa alinsunod na rin sa kanilang batas.
Hindi naman nabanggit ng Pangulo kung kailan isasagawa ang nabanggit na biyahe.
“I have to go to Kuwait,” giit pa ng Pangulo.
Ang mag-asawang pumatay kay Villavende ay kapwa arestado at kasalukuyang sumasailallim sa pagdinig sa hukuman ang kaso laban sa kanila.
“And while undergoing trial, they are detained inside the jail. To me that is good justice,” wika ng Pangulo.
“And if they can follow it through in accordance with their laws…I will ask for the maximum (penalty). I want their executioner to cut off the heads of those who are responsible for the death of the Filipina,” dagdag pa ng Pangulo.
Nauna nang ipinag-utos ng Pangulo ang total deployment ban sa mga overseas Filipino worker sa Kuwait matapos maiulat ang pagkamatay ni Villavende.
Subalit makaraang maaresto at makasuhan ang mag-asawang employer ni Villavende ay binawi na ang pinatutupad na deployment ban.
Si Villavende ay naging biktima ng pang-aabusong sekswal at dumaan sa matinding torture ng kanyang mga amo. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.