(Hiling ni Gapay sa Navy) SOLIDONG SAMAHAN AT KOOPERASYON PANATILIHIN

NAGRETIRO noong Miyerkules, Pebrero 3 si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Gilbert Gapay sa Philippine Navy partikular sa Philippine Fleet (PF) at Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) sa Naval Base Heracleo Alano sa Sangley Point, Cavite City.

Isang pagpupugay ang inihanda ng Navy kay Gapay sa pamumuno ni Flag Officer In Command, Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo.

Bahagi ng tribute ay ang capability demonstration ng mga miyembro ng NAVSOCOM’s Airborne Ground.

Sa talumpati ni Gapay, pinasalamatan nito ang suportang natanggap niya sa Navy habang pinuri ang buong tauhan nito sa sakripisyo, serbisyo at isa-isang binanggit ang lahat ng yunit mula sa matataas na opisyal at pinuno, enlisted personnel, civilian employers at maging ang nasa onboard.

“I commended you for a job well done and for all your support, cooperation, services, and sacrifices rendered during my stint as the Chief of Staff,” bahagi ng speech ni Gapay sa mga opisyal at tauhan ng Navy.

Payo pa ni Gapay na panatilihin ang pagiging solido ng samahan at kooperasyon upang magkatulungan sa magandang performance sa tungkulin na magreresulta naman ng serbisyo sa mamamayang Filipino.

“As I retire, I will retire happy, proud, and contented knowing that the Navy and the Armed Forces will be left with good leaders and good men and women with solid camaraderie… continue doing your job with utmost professionalism and commitment, ” pagpapaalam pa ni Gapay.

Tiniyak din ng ika-54 AFP chief of staff sa mga opisyal at tauhan ng Navy na proud at masaya siyang bababa sa puwesto dahil kontento siya sa naging performance ng kanyang mga tauhan gayundin ang sa Hukbong Karagatan ng Pilipinas. EUNICE CELARIO

Comments are closed.