DAHIL hindi pa nakikitang matatapos ang Covid19 pandemic, hiniling ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) na payagan ang mga pamilyang nasa granular lockdowns na patuloy na tumanggap ng relief packs mula sa kanilang pamahalaang lokal.
Nanawagan si Marcos sa poll body na mag-isyu ng exemption order sa Resolution No. 10695 na nagtatakda sa calendar of activities para sa May 9, 2022 presidential elections, partikular ang pagbabawal sa pagbibigay ng donasyon o regalo, in cash o in-kind, mula sa simula ng campaign period para sa national positions hanggang sa araw nh halalan.
“Sa tingin ko hindi pa rin naman matatapos ang pandemiya by that time kaya hindi pa rin mawawala ang mga lugar na malalagay sa granular lockdown. Inisip ko ang mga taong maapektuhan ng campaign period kaysa mga kandidatong gaya ko. Paano na ‘yung mga pamilyang nasa lugar na may granular lockdown?” paliwanag nito.
Sa ilalim ng resolution, ang pagbibigay ng donasyon o regalo ay ipinagbabawal simula Pebrero 8 hanggang Mayo 9, 2022.
Binigyang diin ni Marcos na maliban kung ang Comelec ay nag-isyu ng isang exemption order, ang mga residente ng mga lugar sa ilalim ng granular lockdown, na pinagbawalan sa pag-alis ng kanilang mga tahanan, ay hindi makakakuha ng tulong, sa anyo ng relief goods, mula sa kanilang mga LGU
“Parang may tali ang kamay ng mga taga-LGUs. Pero ang mas kawawa ay ang mga pamilyang hindi mahahatiran ng ayuda na hindi pa puwedeng lumabas sa kanilang mga tahanan,” dagdag pa nito.
480116 425327Some truly good and beneficial information on this internet site, likewise I conceive the style holds superb features. 786406