HINILING ni Senador Manny Pacquiao kay US President Joseph Biden na madaliin ang pagbibigay ng 20 milyon doses ng bakunang Moderna kontra COVID-19 na binili ng Filipinas sa pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.
Sa liham ni Pacquiao kay Biden na may petsang Abril 10 sa pamamagitan ng Charge d’Affaires John Law, sinabi niya na nakakatakot ang sitwasyon ng Filipinas na maaaring maharap sa health crisis dahil sa pagtaas sa kaso ng coronavirus.
Nakasaad pa sa liham na hinihingi niya ang pakikialam ng Amerika para sa agarang pag-deliver ng Moderna vaccines kahit na initial release pa lamang ito kahit na P10 milyon noong Abril para makapagsalba sa buhay ng maraming buhay ng mga Filipino.
“On behalf of all Filipinos and the Filipino-American community, I humbly ask for the generous help of your government to intervene for the early delivery of the Moderna vaccines. Even an initial release and delivery of at least P10 million doses this April would go a long way in saving many Filipino lives,” ayon pa kay Pacquiao.
Sinasabing anh unang batch ng doses ng Moderna ay nakatakdang dumating sa bansa sa Hunyo 2021. LIZA SORIANO
Comments are closed.