HINILING ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda sa Department of Agriculture (DA) ang madaliang pagkilos upang puksain ang lumalaganap na pesteng “tungro” na kasalukuyang nananalasa sa mga palayan sa nasabinh lalawigan.
Ang tungro ay isang uri ng virus na umaatake sa mga palay. Ipinalalaganap ito ng insektong ‘green leafhopper’ at mga 1,000 ektaryang palayan diumano sa tatlong bayan sa ikatlong distrito ng Albay ang sinalasa na nito nitong ika-24 ng Abril.
Batay sa ulat ng mga municipal agriculturists, ayon kay Salceda mga 375 ektaryang palayan ang nasira na ng tungro sa bayan ng Polangui na mismong bayan niya, 221 ektarya sa Libon, at 187 ektarya sa Oas. Bahagi ang tatlo sa kumpol ng mga bayan na itinuturing na ‘rice granary’ ng Albay.
Kaagad nakipag-ugnayan si Salceda, na siyang chairman ng House Ways and Means Committee, kay Agriculture Secretary William Dar at hiniling ang madaliang pagkilos ng kagawaran upang agad masugpo ang pananalasa ng peste.
“Sila ang bangan o kamalig ng bigas ng Albay. Ipinakikiusap kong kaagad tulungan ang mga apektadong magsasaka para masugpo agad ang pagkalat ng sakit. Kung kailangan ang pondong ayuda, tutulong akong humanap ng pondo,” ayon sa ‘text’ na mensahe sa Ingles ni Salceda kay Dar.
Sumagot naman agad si Dar na tutugunan nila ang pakiusap ng mambabatas. Nauna rito, nagbabala na sa mga magsasaka ng Albay ang DA Bicol kaugnay sa tungro. Naninilaw-pula ang dahon at tuluyang nauupos ang mga halamang palay na apektado nito at mabilis na kumalat sa kanilang paligid. Nagsisimula ito sa ilang kumpol at saka lalaganap.
Nagbigay ng paunang 20 litrong insecticide ang DA sa mga magsasaka sa Libon na magagamit sa mga 80 ektarya. Inaasahang susundan ito agad.
Ayon kay Salceda, matinding nangangamba ang mga magsasaka ng Albay sa malawakang pinsalang idudulot ng tungro kung hindi ito agad mapupuksa. Karamihan pa naman diumano sa mga palayang tanim ay hindi naisiguro dahil sa gastos. Naghihimutok diumano ang mga magsasaka na habang patuloy na tumataas ang presyo ng ‘farm inputs’ gaya ng pataba at pestisidyo, bumaba naman sa P13.50 bawat kilo ang bilihan ng palay.
Ilang dekada na ang nakaraan nang sinalasa ng tungro ang Gitnang Luzon na sadyang nagpadapa sa mga magsasaka roon.
426019 317947hi was just seeing in case you minded a comment. i like your internet site and the thme you picked is awesome. I will probably be back. 897973
582527 621807Some genuinely good and utilitarian info on this internet site , likewise I believe the layout has great capabilities. 606466
29968 494318I like this internet site so considerably, bookmarked . 858737