(Hiling sa gov’t, private sector) AYUDA SA WOKERS, SMALL BIZ

Rowena Niña Taduran

DAHIL sa bagong magiging takbo ng pamumuhay o tinatawag na ‘new normal’  bunsod ng coronavirus disease 2019 o COVID-19 pandemic, nahaharap sa mabigat na hamon ang maraming manggagaea, gayundin ang mga maliliit na negosyante kung kaya dapat silang mabigyan ng ibayong tulong kapwa mula sa pamahalaan at pribadong sektor.

Ito ang binigyang-diin ni House Assitant Majority Floor Leader at ACT-CIS party-list Rep. Rowena Niña Taduran kung saan ang ‘new normal’ na ito, aniya, ay mas lmangyayari kapag inalis na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon sa ACT-CIS party-list lady representative, maaaring bumuo ng isang ‘comprehensive plan’ na magkakaloob  ng pagkakataon sa mga empleyado na mabigyan ng trabaho na malapit lamang o mismong sa kani-kanilang tahanan.

Bukod dito, hinimok ni Taduran ang pagkakaloob ng iba’t ibang skills training program at pautang bilang puhunan sa mga kawani para makapagsimula ng panibagong  pagkakakitaan ang mga ito.

“The government and private companies should also do job and place matching. Kung ang manggagawa ay nakatira sa Manila at nagtatrabaho siya sa Pasig, at kung may branch naman ang kanyang ahensya o kumpanya sa Manila, doon na lang siya ilipat, para mas malapit siya sa kanyang pagta-trabahuhan,”’ dagdag ng ranking House official.

Sinabi pa ni Taduran na dapat suportahan ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan at  private companies ang ‘work from home scheme’ at kailangang mabigyan ng kaukulang kagamitan at kasanayan o kaalaman dito ang mga manggagawa na maitatalaga sa nasabing ‘set up’.

Ang mga barangay naman ay inirerekomenda ng  mambabatas na magkaroon ng kani-kanilang ‘community markets’ o kaya’y ‘rolling stores’ para na rin maiwasan ang pagsisiksikan sa mga palengke at talipapa at maituturing ding oportunidad para maging hanapbuhay ng sinumang interesado rito.

“We should accept the fact that we cannot entirely go back to what we used to do especially with the social distancing and the reduced capacity in public transportation. Unemployment is predicted to be at 8% this second quarter. We should do something so the people can get back on their feet as they adjust to this situation brought by Covid-19,” giit pa ni Taduran. ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.