PANAHON na para gawing heinous crime ang hazing.
Hiling ito ng pamilya ni Horacio ‘Atio’ Castillo III sa mga mambabatas matapos na isa na namang insidente ng pagkamatay dahil sa hazing ang naitala.
Kinilala ang bagong biktima na si Darwin Dormitorio, kadete ng Philippine Military Academy, na namatay sa cardiac arrest.
Ayon sa pamilya Castillo, dapat nang isama sa mga karumal-dumal na krimen ang hazing dahil patuloy na dini-disregard ng mga gumagawa nito ang panganib.
Patuloy na nagdadalamhati ang pamilya Castillo dahil sa pagkasawi ni Atio, isang freshman law student ng University of Santo Tomas na napatay rin sa hazing ng Aegis Juris fraternity noong Setyembre 17, 2017.
Nakidalamhati ang pamilya Castillo sa pamilya ni Dormitorio. “Nakikiramay kami sa pamilya ni Cadet Dormitorio, alam namin ‘yung pinagda-daanan ng magulang at pamilya at alam namin mahaba-haba pa ‘yung pagdadaanan nila.”
Ang mga labi ni Dormitorio ay naiuwi na sa kanyang mga magulang sa Cagayan de Oro. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.