(Himok kay PBBM) EL NIÑO TALAKAYIN SA SONA

HINIMOK  ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na talakayin ang mga hakbangin na magpapagaan sa masamang epekto ng kakulangan sa tubig at El Niño sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA).

Ani Pimentel, dapat bawasan ni Marcos ang pagtalakay sa Maharlika Investment Fund (MIF) at pagtuunan din ng pansin ang isyu sa kakulangan sa tubig.

“Huwag puro Maharlika Investment Fund. The adverse effects of water shortage and El Niño have far-reaching consequences on various sectors of the economy. Past droughts and water crises have caused a significant toll on the economy, business, agriculture, power generation, public health, and natural resources, among others,” ayon kay Pimentel.

“The concerns about the impending water shortage and El Niño phenomenon were made earlier. Ano na ang ginawang hakbang ng gobyerno? As I said before, the government should take an anticipatory approach and not merely be passive in addressing these challenges,” dagdag pa niya.

Binanggit ni Pimentel ang isang pag-aaral ng Columbia University na nagpapakita na ang El Niño phenomenon noong 1997 at 1998 ay nag-iwan ng kondisyon na tagtuyot sa 70 porsyento na lugar sa bansa.

Nanawagan din si Pimentel sa publiko na magtipid sa tubig at koryente sa panahon ng tagtuyot.

“These problems need immediate attention and concerted efforts from both the government and the public. I implore each of us to conserve water,” ayon sa mambabatas.
LIZA SORIANO