HINIHIKAYAT ng World Health Organization (WHO) ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.
Sa Laging Handa public briefing ay sinabi ni Acting World Health Organization (WHO) Philippines Representative Dr. Rajendra Yadav na ligtas ang mga bakuna para sa mga bata.“These vaccines are very safe. They should not create unnecessary panic among parents by spreading misinformation.”
Ayon pa kay Yadav, wala pang napaulat na nagdulot ang Pfizer COVID-19 vaccine ng anumang side effect kumpara sa ibang bakuna.
“If you don’t vaccinate our children, they are also likely to develop severe COVID-19 and die, especially if they have comorbidities,” dagdag nito.
Umaapela rin ang WHO sa mga lokal na opisyal na ipagpatuloy ang pagbabakuna sa kanilang mga nasasakupan, lalo na sa mga nakatatanda, dahil posible pa rin na makaranas ng COVID-19 surge sakaling magkaroon ng panibagong variant ng nakahahawang sakit.
Kabilang sa mga lugar na maraming senior citizens na hindi pa bakunado ang Cebu, Negros Occidental, Batangas, Cavite, at Bulacan.
Patuloy ang pagbaba ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Iniulat ng DOH na 3,788 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit araw ng Biyernes, Pebrero 11.
Sa 3,630,637 na confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa, na 91,147 o 2.5 porsiyento ang aktibong kaso, base sa huling datos ng DOH.