(Himok ni BBM sa gobyerno) BAKUNADONG ‘UPOR’ PAYAGANG LUMABAS

HINIMOK ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang gobyerno na payagang lumabas ang mga bakunado, ngayong Enhanced Community Quarantine period, para makapaghanapbuhay o kaya ay sa health reasons.

“As long as these vaccinated unauthorized persons outside of residence (UPOR) adhere strictly to minimum public health standards,
I believe, somehow, they’re of big help in weathering the crisis caused by the corona virus,” ayon sa dating senador.
Sa isang television interview, ipinaliwanag ni Marcos na ang hindi pagpayag na magtrabaho kapag lockdown ay hindi maganda para sa mga manggagawa, lalo na sa mga naka- “no work, no pay” basis, sa mga natanggal sa trabaho o sa mga sapilitang pinagtatrabaho sa maikling oras lamang dahil sa epekto ng Covid-19 pandemic, dahil wala silang ibang mapagkukunan ng panggastos ng pamilya.

“I think basta nabakunahan na, piwede nang magtrabaho. Kahit nasa ECQ, basta nabakunahan, puwede pa din dahil safe na sila. Lalo na ngayon, magbabayad ng matrikulasyon ang mga magulang. Kailangan nilang magtrabaho para makabawi sila doon sa mga expenses. ECQ na nga, siyempre mas malaki ang kanilang ginagastos sa bahay, mas malaki ang binabayad sa koryente, sa tubig. Mas malaki ang magiging cost nila kung nakakulong sila sa bahay nila. Ngayon, wala ka namang kapalit n’un kung ‘di mo payagang magtrabaho,” pagbibigay diin nito.

Gayunman, sinabi ng dating mambabatas na kahit bakunado na ay kailangan pa ring istriktong ipatupad ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face masks, madalas na paghuhugas ng kamay at social distancing.

“Pero siyempre, mag-iingat pa din sa ibang tao. May nagsasabi unfair daw ‘yun, bakit ito pwede, bakit ito hindi, bakit namimili? Pero kasi nandiyan ang peligro na magkasakit. Ang primary concern ay hindi kumalat ito. Kasi kung kumalat ito, magla-lockdown na naman, wala na talaga tayong usapan tungkol sa trabaho,” dagdag ni Marcos.

Binigyang diin niya na kailangan ng gobyerno na makapag-isip ng paraan upang tulungan at pasiglahin ang ekonomiya, at isang paraan para magawa ito ay payagang bumalik sa trabaho ang mga bakunado na.

“Kapag may trabaho ang tao, may pera sila sa bulsa. May pambayad sila ng renta, may pambili. ‘Yung pagbabayaran nila, magkaka-pera din. Kahit maliit na halaga, iikot pa din ang ekonomiya,” he noted.

Hinimok din ni Marcos ang gobyerno na payagan ang
vaccinated UPOR na lumabas para makapag-ehersisyo.

“May mga nabakunahan na na UPOR, baka puwede rin silang payagang mag-ehersisyo mag-jogging sa labas ng kanilang tahanan para pampasigla sa kanilang katawan at pangtanggal na rin ng pagka-umay sa loob ng bahay,” paliwanag ng dating senador.

“Boredom or the state of being weary and restless which normally being developed indoor is one source of anxiety and stress that causes mental and health infirmities… such hazard can be adversed by affording vaccinated UPOR some breathing space,” pahayag pa ni Marcos.

68 thoughts on “(Himok ni BBM sa gobyerno) BAKUNADONG ‘UPOR’ PAYAGANG LUMABAS”

  1. 235995 227093Wow, incredible blog format! How lengthy have you been blogging for? you make running a weblog glance straightforward. The full glance of your internet site is fantastic, as smartly the content material material! 302812

Comments are closed.