SA gitna ng tsismis na destabilization, hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang militar at pulisya na magkaisa at ipagpatuloy ang suporta sa gobyerno at sa administrasyon ni Presidente Ferdinand Marcos, Jr.
“Ako nga po, hinihikayat ko ang ating mga kasundaluhan at kapulisan na suportahan po natin ang ating Pangulong (Ferdinand) Marcos (Jr),” saad ni Go sa ambush interview matapos dumalo sa inauguration ng multipurpose building Barangay Batasan Hills, Quezon City.
“Inihalal po s’ya ng bayan at ginagawa naman po n’ya ang lahat at nagtatrabaho po s’ya. Nakita n’yo naman po napakasipag po ng ating Pangulong Marcos,” dagdag niya.
Sinabi ni Go na nananatili ang militar na isang professional unit at gagawin ang kanilang responsibilidad batay sa sinumpaang tungkulin.
“Ako naman po ay naniniwala na professional po ang ating mga soldiers,” pahayag no Go.
Ang appointment aniya ni Eduardo Año bilang National Security Adviser at Carlito Galvez Jr. bilang defense secretary ay malaking tulong sa Armed Forces of the Philippines.
“Ang ating Armed Forces, with Secretary Galvez, nandidiyan, mas ma-stabilize po niya ang Department of National Defense, ang ating Armed Forces. Magaling po si Secretary Galvez, napaka-fair, level-headed at napaka-competent,” ayon pa rito.
“Magaling na sundalo, magaling na secretary, at it was proven during his tenure… sa Marawi siege, napaka-level-headed, napaka-kalma po during pressure time. So ngayon, I’m sure kaya n’ya po bilang Secretary of National Defense.”
“ Ako po ay naniniwala na si Secretary Año ay malaki po ang maitutulong and, of course, Secretary Galvez, napakalaki po ang maitutulong sa administrasyon ni Pangulong Marcos,” dagdag ni Go.
Si Go ay nagharap ng Senate Bill No. 422 na magkakaloob ng libreng legal assistance sa mga officer o enlisted personnel ng AFP o PNP, na nahaharap sa kaso.
E-Governance bill isinusulong
Bilang tagapagtaguyod para sa kapakanan ng mga Pilipinong magsasaka at manggagawang pang-agrikultura, muling iginiit ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang pagpupursige para sa inihain na Senate Bill No. 194 o ang E-Governance Act of 2022 na nag-uutos sa pamahalaan na magtatag ng isang integrated, interconnected, at interoperable information at resource-sharing at communications network na sumasaklaw sa kabuuan ng pambansa at lokal na pamahalaan, isang internal records management information system,isang database ng impormasyon, at mga digital portal para sa paghahatid ng mga pampublikong serbisyo.
Ito ang sinabi ng senador matapos ipahayag ang kanyang suporta sa inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang pagbabahagi ng data sa mga ahensiya ng gobyerno sa layuning matugunan nang mahusay ang agricultural smuggling sa Pilipinas.
“Government should be more responsive to the demands of changing times. There’s no better time than now to prioritize the government’s digital transformation. The government must use information and communications technology to better serve its purpose and get closer to the people in an era where practically everything can be done online and through other digital channels,” ayon kay Go.
“Dapat talaga ay ipagpatuloy natin ang pagbibigay ng nararapat na suporta at proteksyon sa ating mga local farmers.
Kaya naman masaya ako na palaging inuuna ni Pangulong Marcos ang kapakanan ng ating magsasaka.
Naiintindihan niya kung bakit talaga natin kinakailangan tutukan ang agricultural sector dahil isa ito sa nagpapaunlad ng ating ekonomiya.”
“Tayong nasa gobyerno, unahin natin ang kapakanan ng maliliit nating farmers. Ito po ‘yung nagbibigay sa atin ng pagkain at nakakatulong sa ating pamilya at komunidad, lalung-lalo na po sa mga mahihirap,” dagdag pa niya.
Sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) kamakailan, sinabi ni President Marcos, sa pulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), na hikayatin ang concerned agencies na makipagtulungan at gumawa ng whole-of-nation approach upang labanan ang smuggling, dahil ang kasalukuyang sistema ay hindi epektibo.
Binanggit din ni Pangulong Marcos na nakatanggap siya ng mga reklamo mula sa sektor ng negosyo, na binanggit ang inefficiency ng airport at seaport system ng bansa. Dahil dito, hinimok ng Pangulo ang lahat ng kasangkot na ahensya na maging mas makabago at, kung kinakailangan, magtakda ng mga tungkulin o magtatag ng mga bagong ahensya.
Isa sa mga itinaas na rekomendasyon ay ang pagbubukas ng database sa Bureau of Customs (BOC) at sa Department of Agriculture (DA) para matiyak ang mahusay na pagbabahagi ng impormasyon, patuloy ng pahayag.
“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” pagbibigay diin ni Marcos.
“So we really have to find something else. We cannot continue to depend on these systems which have already proven themselves to be quite ineffective,” aniya pa.
Ang E-Governance Bill ni Go ay nagsusulong din sa digitization ng paper-based at ibang tradisyunal na sistema sa trabaho.
“Ang apela ko po sa (Bureau of) Customs, Department of Agriculture, executive department, unahin n’yo po ang kapakanan ng local farmers. Hulihin n’yo po ang mga smuggler, panagutin, kasuhan. Hindi lang kasuhan, ikulong po kung dapat ikulong,” pahayag pa ni Go sa ambush interview.
“Dapat ikulong yung mga nananamantala at proteksyunan natin ang kapakanan ng ating local farmers. Kasi kapag naproteksyunan natin ang local farmers, dalawa po yan. Ibig sabihin natulungan natin sila, nabigyan natin ng hanapbuhay, trabaho at may laman po ang kanilang tiyan,” dagdag niya.