HIMOK NI DUTERTE SA THAI BUSINESS LEADERS: INVEST, EXPAND

Pangulong Rodrigo Duterte-3

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Thai business leader na maglagak ng kanilang negosyo o kaya ay palawakin ang operasyon nito sa Filipi­nas.

Ito ang naging panawagan ni  Duterte sa harap ng 24 Thai bankers, hoteliers at iba pang investors sa idinaos na 34th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit  sa Bangkok  kasabay ng pagmamalaking “fast-learning workforce” at “corruption-free business climate” ang Filipinas.

“I invite you to ride on the momentum of Philippine growth story and invest especially in the new industrial destinations in Metro Manila, Pampanga-Clark, Cebu, Bohol and Davao. With a sound macroeconomic policy and ongoing reforms, we guarantee a competitive and corruption free business climate and a highly skilled and fast-learning workforce,” paha­yag  pa ng Pangulo

Ayon dito, alinsunod sa ipinagkaloob na BBB+ credit rating upgrade mula sa S&P Global ay sigurado na umano o  “assured of protection and gains,”  ang investments sa bansa.

“It is the highest rating in out history, notch below A credit rating,” anang Pangulo na siyang pinakamataas na credit rating na ibinibigay sa mga borrower.

Tinukoy rin nito na  ang pagtataas ng S&P sa ’ credit rating ng Filipinas ay nagpapakita lamang na matatag ang ekonomiya ng bansa dulot na rin ng massive infrastructure.

“Our economic indicators are on the uptrend. We are making significant headway in transforming the Philippines into a more stable and secure place for investments,” pagmamalaki ng Pangulo sa mga Thai investor.

Kaugnay nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Pa­nelo na ang Thailand ang ‘third largest foreign investor ‘ ng Filipinas sa unang bahagi ng taong 2019.

Comments are closed.