Mula sa pahina 1HINIKAYAT ng isang House leader ang susunod na Kongreso na ipasa agad ang pambansang pondo sa 2020.
Nababahala si Deputy Minority Leader Luis Campos na maulit muli ang delay sa pag-apruba sa 2020 national budget tulad sa 2019 budget kung hindi agad kikilos ang 18th Congress sa budget process.
Inirekomenda ng mambabatas na maipasa ang 2020 national budget sa huling linggo ng Nobyembre o sa unang linggo ng Disyembre.
Malaki aniya ang epekto ng nangyaring budget impasse sa maraming lugar sa bansa kung saan maraming proyekto at social services ang napurnada.
Samantala, isang buwan pagkatapos buksan ang first regular session ng 18th Congress sa July 22 ay inaasahan na maisusumite ng Malacañang ang 2020 proposed General Appropriations Act o sa mismong araw ng SONA ni Pangulong Duterte. CONDE BATAC
Comments are closed.