(Himok sa sambayanan) MAKIISA SA PANALANGIN PARA SA BANSA

BILANG  pagsunod sa RA No. 10525 na nag-aatas sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan at mga instrumentalist na patnubayan ang mga gawaing may kinalaman sa maayos na pagsamba ng iba’t ibang relihiyon at sekta, gayundin sa pagsunod sa mga tradisyong pangrelihiyon at iba pang gawain, iniaatas ni Executive Secretary Salvador Medialdea kay Presidential Adviser for Religious Affairs Grepor Belgica na magkaroon ng paghahanda sa tinatawag na virtual interfaith prayer meeting para sa bansa sa darating na Mayo 30 kaugnay ng patuloy at lumalalang pandemya ng COVID-19.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) at iba pang mga kinatawan ng iba’t ibang sekta.

Sinabi ni Medialdea na ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay upang kikilalanin ang kalayaan ng bawat sektang ipahayag ang kanilang panalangin batay sa kanilang paniniwala, habang sinisiguro ang kaayusan sa pagsasagawa ng prayer meeting at pag-unawa sa magkakaibang paniniwala sa pananampalataya. Bibigyan ng sapat na oras ang bawat sekta na magsagawa ng kani-kanyang seremonya para sa nasabing event kung nais nila.

Iuulat ni Belgica sa tanggapan ne executive secretary ang mga aksyon na isinagawa kaugnay sa nasabing direktiba.

Hinimok din ni Medialdea ang bawat isa na hikayatin ang mga kaibigan, mga kapamilya o kakilala na manalangin hindi lamang laban sa pandemya kundi para sa ikauunlad at kapayapaan ng bansa.

4 thoughts on “(Himok sa sambayanan) MAKIISA SA PANALANGIN PARA SA BANSA”

  1. 658574 688194This internet site is my inspiration , genuinely excellent layout and perfect subject matter. 20781

Comments are closed.