(Hinagisan ng molotov bomb) 3 SUVs SUMABOG SA PARKING AREA NG NAIA

TATLONG SUVs ang sumabog sa parking area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang hagisan ng molotov bomb.

Ayon sa mga tauhan ng ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP), wala naman mga tao na nadamay sa pagsabog.

Ayon sa inisyal report, nangyari ang insidente dakong alas-8:23 nitonv Sabado ng umaga sa may parking area ng NAIA Terminal 3 kung saan tatlong nakaparadang sa sasakyan ang nawasak kasama na ang windshield at ibat-ibang pinto resulta sa malakas na pagsabog ng bomba.

Ang tatlong SUVs ay kinabibilangan ng Toyota Fortuner na may plate. no. NCL 6610, Toyota Rush with plate no. NEV 2485 at Mazda Tribute na may plate no. NBI 716.

Ayon sa saksing si Michael de la Cruz ng Bangkal, Makati City, nakita nito ang ginawang paghagis ng Molotov bomb ng isang tao sa parking area at tinamaan ang mga nasabing sasakyan nakaparada.

Basag ang harap na salamin ng Toyota Fortuner habang ang Toyota Rush at Mazda ay nagkasira-sira ang mga pintuan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP at kasabay ang pangangalap ng mga ibidensiya at pagkakilanlan ng salarain o taong naghagis ng naturang bomba upang papanagutin sa kanyang nagawang kasalanan. FROILAN MORALLOS