TINATAYANG nasa 3,000 o mahigit pang miyembro umano ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang pinaniniwalaang naka-pasok na sa bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap na kawani ng kontrobersiyal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na hinahabol ng Bureau of Intenal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng P50 bilyong revenue taxes.
Ito ang dahilan kung bakit desidido si Senator Panfilo ‘Ping’ Lacson na busisiing mabuti o i-verify ng intelligence community ang pagpasok sa bansa ng naturang POGO workers.
Pakiwari naman ni Senator Richard Gordon ay sadyang hindi ito masasawata dahil posibleng may nagbibigay ng proteksiyon sa mga ito.
“The Philippine is robust in counter-intelligence operations against Chinese intelligence from 2010 to 2016 – during the administration of former President Benigno ‘Noynoy’ Aquino III. It was very active then because those were the marching orders, and the intelligence community was ‘very keen’ on Chinese move in the Philippines at the time,” anang miyembro ng veteran intelligence community na hindi nagpabanggit ng pangalan.
Nakaprograma na sa BIR ang paghahabol sa P50 bilyong utang umano ng POGOs sa buwis, subalit tila nagsilipat na sa Thailand, Indonesia at Malaysia ang operations ng 70% active operators nito at 30% na lang ang natitira sa bansa na hinihinalang kaanib ng PLA.
Naka-monitor na sa BIR ang mahigit sa 218 POGO service providers sa bansa na may mahigit sa 108,914 o maaaring umabot pa sa dala-wang milyong foreign employees, karamihan ay mga Chinese national.
Kinumpirma ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairperson and CEO Andrea Domingo na isa ang Macao-based casino operator na SunCity Group sa mga nagsara nang POGO sa bansa.
Nababahala naman ang Philippine security officials sa tatlong isla sa bansa na tila target ng Chinese investors na i-develop bilang economic at tourism zones sa ilalim ng China’s Belt and Road Initiative. Ang mga ito ay ang Fuga sa Cagayan Province, Grande at Chiquita sa Subic Base, Zambales.
Ang Fugo Island ay bahagi ng 2nd Northernmost Island Group na nagsisilbing access ng bansa sa Pacific Ocean at sa China Sea (Philippine Sea), samantalang ang Subic Bay na may 250 kilometers mula sa Panatag Shoul ay tila inokupa na rin ng China mula pa noong 2012.
Ito ay bahagi ng US$12.16 billion na halaga ng investment o kasama sa 19 business deals na nilagdaan sa pagitan ng Filipinas at ng Chinese companies noong unang bumisita si Pangulong Duterte sa Beijing para sa Belt and Road Initiative Forum.
Malaking probitso ang inaasahang matatamo ng Filipinas sa kasunduang ito.
Bukod sa POGO workers, dumagsa rin sa bansa ang umano’y mga Chinese worker para sa iba’t ibang infrastructure projects.
Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.