MAHIGIT tatlong taon na kaming nasa Wyoming, USA at napakarami nang nangyari sa aming buhay. Nag-apply na kami ng citizenship, hindi inaasahang nabyuda ako, working na ang anak kong panganay, pero deep inside, narito pa rin sa puso namin ang pagiging Filipino. At higit sa lahat, nami-miss pa rin naming ang Maynila.
Tama sila. Hindi mo malalaman kung ano ang halaga ng isang bagay hanggang hindi ito nawawala sa’yo. Luckily, anytime, pwede naming balikan ang Manila, na matatagpuan sa silangang bahagi ng Manila Bay sa Luzon. Oo, sobrang daming tao. Siksikan na talaga, pero hindi ito Manila kung kokonti ang tao, considering na as ovf 2019, isa ito sa world’s most densely populated city proper.
Tinatawag din ang Manila na’Rome of the East dahil sa dami ng magagandang lugar na pwedeng bisitahin dito tulad ng mga simbahan at historical monuments. At hindi lamang iisa ang kanyang history.
Mayroon ditong magagandang parks, amusement parks, at iba pang tourist attractions na naghihintay lamang na puntahan natin.
Matatawag ang Maynila na cauldron of culture. Makikita rito ang lahat ng klase ng tao, maya,am man o mahirap, matalino man o walang pinag-aralan, Tsino man o Americano – at marami rin ditong major sites tulad ng walled Intramuros, Spanish-era Fort Santiago kung saan makikita ang shrine-museum ni José Rizal, ang Manila Cathedral, ang UNESCO-listed San Agustin Church – ang pinakamatandang simbahan sa Kamaynilaan, Casa Manila na museo ng Spanish colonial furniture and art, at marami pang iba.
Dating tinatawag ang Maynila na “Ginto” (gold) o “Suvarnadvipa” ng mga kalapit na bayan. Opisyal itong tinawag noon na Kaharian ng Maynila o Kota Seludong”, isa sa tatlong siyudad na nakasasakop sa pasigan ng Pasig River bago dumating ang mga Kastila.
Syempre pa, Maynila ang kapitolyo at pangunahing siyudad ng Pilipinas. Ito ang sentro ng ekonomiya, pulitika, sosyedad at gawaing kultural ng bansa. Intramuros ang pinakamatanda nitong neighbourhood, na itinatag noon pang 16th century.
Kung isa kang Manila resident, be proud. Love is in the air in the city of Manila, dahil ayon sa global word analysis ng Crossword Solver, ang Pilipinas raw ang most loving city in the world. Historically. Nagmula raw ang pangalang Maynila sa tinatawag na manila hemp, abacá ang tawag ngayon, pero nilad noon. May nilad sa nasabing lugar kaya nasanay ang mga tao sa pangalang Maynilad na eventually ay naging Maynila.
Sa ngayon, kinalulugdan ang Maynila dahil sa presence ng authentic Chinese food, bargain shopping sa Divisoria, Baclaran at Bambang at marami pang iba. Syanga pala, kung gusto ninyong makaranas ng ultimate food sa Maynila, punta ka sa Binondo. Sobrang sarap ng mga pagkain sa tabi ng estero.
Tagalog talaga ang salita sa Maynila, pero magugulat ka dahil meron pang tinatawag na gay lingo at millennial language – kalowkah! Mag-stay ka ng one week, masasanay ka rin.
Sa pagtatapos, may bagong city within a city sa Maynila. Tinatawag itong New Manila Bay – City of Pearl, na matatagpuan sa puso ng Maynila, na parang isang makinang na dyamanteng nagniningning sa gitna ng dagat. Ito ay 407 ektaryang lupain, ang pinakamalaking hectares self-sustaining SMART City sa buong Asia, na planong tirhan ng mahigit 500,000 citizen at lilikha ng mahigit 100,000 na trabaho. Hay, gusto ko na talagang umuwi! Hinahanap-hanap talaga kita, Manila.