(Hinahayaan nina Dingdong at Marian) ZIA DANTES MARUNONG NANG TUMULONG SA GAWAING BAHAY

Zia Dantes

ANG cute naman ng post ni Ma­rian Rivera-Dantes sa kanyang Instagram story na showbiz eyenagpapakitang naglalampaso ng sahig ang panganay nila ni Dingdong, si Maria Letizia o si Ate Zia.  Nag-viral ito at puring-puri ng netizens na kahit bata pa si Zia, marunong na itong tumulong sa gawaing bahay ‘di tulad ng ibang bagets na spoiled sa kanilang parents. Nakatutuwang naka-duster din si Zia, akala mo ay “mun­ting dalaga.”

Naalaala namin ang sinabi ni Dingdong noong interview niya sa “Starstruck” na hinahayaan nilang mag-asawang gawin ni Zia ang mga nakikita niyang ginagawa nila sa bahay tulad ng paglilinis, at lalo na ang pag-aalaga nito sa baby brother niyang si Sixto o Ziggy.  ‘Ate Zia’ rin daw ang tawag nila, para masanay ito sa ganoong tawag.  Kita raw nila ni Marian kung paano alagaan ni Zia si Ziggy.

Anyways, mali yata ang sabi ni Dingdong na baka hindi pa babalik sa trabaho si Marian ng July tulad nang nasulat, dahil Independence Day, June 12, post ni Marian sa IGs niya na “TVC shoot today #ForMyZiggy.”  Hindi naman binanggit ni Marian kung ano ang isu-shoot niyang TVC at kung kailan ito mapano­nood.

Ang napansin ng netizens ang napakagandang Marian Rivera na para raw hindi nagsilang ng second baby niya. Caption ni Marian sa photo niya: “Happy to be back on the set! Can’t wait to share with you our newest tvc.”

Mga kasama niya sa showbiz ang nag-comment kung gaano pa rin kaganda si Marian kahit nagsilang na ito ng second baby niya. Si @marieltpadilla “Yung may newborn ka pero ang ganda mo parinnnn…paano???? @carlayaaaa “Queen ‘yung totoo kada panganak mo paganda ka ng paganda lalo.”

Biro ng handler niyang si @raetristan Yayyy! Mababawasan na ‘yung paggimik ko.  Back to work na! Sagot naman ni Marian @raetristan hahaha pwede pa konti lang gagawin ko, lol!

Sa totoo lang, last month ay nag-photo shoot na si Marian ng isang bagong endorsement at ilo-launch na ito this month.  Pero iyon nga lamang ang pagbabalik sa TV shows niya, by July pa talaga pwede siya, tulad ng “Sunday PinaSaya” at ang OFW docustories na “Tadhana.”

KIRAY CELIS SUNOD-SUNOD ANG PROJECT BUKOD SA BUSINESS NA ‘CHICKS AND FINS’

MARAMING happy kay Kiray Celis na sa paglipat niya sa GMA Network, sunud-kiray celissunod ang work niya na hindi naman nagrereklamo ang petite actress -comedienne.  Ilang shows na sa GMA ang nakapag-guest siya at siyempre thankful siya na kasama siya sa top-rating primetime romantic-comedy series na “Love You Two” na kasama niya, sina Gabby Concepcion, Jennylyn Mercado, Shaira Diaz, Jerald Napoles.

Ilang beses na rin siyang nag-guest sa “Daig Kayo ng Lola Ko,” pero ngayon siya ang bida sa month-long episodes ng DKNLK na “Super Kiriray and the Wonder Kids” na may super power siya.  Katambal niya ang Kapuso heartthrob na si Clint Bondad.

Pero kung ayaw nang mag-showbiz ni Kiray, may fall-back na siya, ang kanyang “Chicks and Fins” business.  One year na pala niyang naitayo ito sa Manila, successful naman at ngayon ay gusto niyang magkaroon na ito ng branch. Kaya lalong sinisipag sa trabaho niya si Kiray.

Comments are closed.