(Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo) PUMATAY SA ASAWA NI “PAPADOM” GUILTY

kulong

HINATULAN ng habambuhay na pagkabilanggo ng Makati City Regional Trial Court (RTC) ang suspek na pumatay sa asawa ng singer at founder ng reggae band na Tropical Depression na si Dominic “Papadom” Gamboa.

Base sa 20 pahinang desisyon ng Makati RTC Branch 149, si Nitro Ison ay napatunayang guilty sa kasong robbery with homicide na isinampa laban sa kanya sa pagpatay kay Ma. Amparo “Teng” Santaromana-Gamboa.

Ayon sa korte ang biktima ay sumakay ng taxi na minamaneho ni Ison noong Pebrero 2016 ng madaling araw.

Ang biktima ay natagpuang patay na may isang tama ng bala sa ulo sa loob ng taxi na inabandona sa Kalayaan Avenue kanto ng Barrio Bisaya sa Guadalupe Nuevo, Makati City

Base pa sa pahayag ng korte, si Ison ay nahaharap din sa mga kasong pag-carnap ng mga taxi at karamihan sa kanyang biktima ay mga babaeng pasahero.

Bukod sa hatol na reclusion perpetua pinagbabayad din ng korte si Ison sa pamilya ng biktima ng P75,000 para sa civil insa demnity; P283,770.50 para actual damages; P75,000 para sa moral damages at P50,000 para sa tempe­rate damages.

Matatandaan na ang biktima ay pinatay tatlong taon matapos ang pagkamatay ni Papadom dahil sa kidney failure noong 2013.

Ang banda ni Papadom ang nagpasikat sa mga kantang “Bilog na naman ang Buwan” at “Kapayapaan”. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.