MAY punto si Finance Secretary Ralph Recto na maghinay-hinay sa pagtatakda ng target sa growth domestic product (GDP) para ngayong taon hanggang 2028 o pagbaba sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Kaugnay nito, pinag-aaralan na ng kalihim na bawasan GDP target.
Aniya, dapat maghinay-hinay sa pagtaya ng mataas na GDP upang hindi ma-pressure dahil kung mabibigo ay tataas naman ang deficit o ang kakulangan, gayundin ang debt-to-GDP o pag-utang.
Payo pa ni Recto sa ibang economic managers ng administrasyon na maghinay-hinay sa paglalatag ng GDP target at maging makatotohanan.
Noong December 2023 meeting sa Development Budget Coordination Committee, itinakda ang 6.5% hanggang 7.5% GDP para ngayong taon, habang sa 2025 hanggang 2028 ay 6.5% hanggang 8%.