HINDI BAKUNADONG PASAHERO BAWAL SA AIRASIA

SIMULA sa Enero 17 ay hindi na tatanggapin ng AirAsia ang hindi bakunadong pasahero bilang pagsunod sa Department Order 2022-001 ng Department of Transportation upang maiwasan ang hawahan sa COVID-19.

Ayon sa pahayag ni Ricky Isla, Chief Executive Officer (CEO) ng AirAsia, ito ay upang mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang mga crew at aviation sector.

Ang mga non-vaccinated guest na may essential purpose of travel mula sa Metro Manila na may mga karamdaman kaya hindi nakapagbakuna ay papayagan pa ring sumakay ngunit kinakailangang magpakita ng medical certificate na pirmado ng kanyang doktor.

Maging ang magdadala ng mga essential goods ay pinapayagan, kailangan lang magprisinta ng barangay health pass o kung anumang katibayan. FROILAN MORALLOS