SA PAGPILI ng materyales o mga panlaban, importante na walang history of sickness o hindi nagkasakit dahil isa iyan sa tinitingnan kung quality ang isang manok.
“Everytime na dumadaan ang matinding init/tag-araw at malalakas na bagyo/tag-ulan usually ang bumibigay o ‘di kinakaya maka-survive ng manok na dumaan sa matinding sakit. Maglilinisan naman ng kapaligiran sana wala nang bagyo,” sabi ni Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp.
At sa pagpili ng inahin ay importante na tingnan lahat ng anggulo, para rin po sa mga beauty contest na pinararampa ang contestants para tingnan kung balansiyado talaga.
“Madali lang pumili ng ganador sapagkat may sparring pero itong gagawing inahin na pang- breeding ay kailangan ay mabusisi/ metikuloso ka talaga dahil ito ang pinakamahirap piliin kasi nga wala ngang sparring, palagi sa station/ tindig ka lang aasa,” ani Doc Marvin.
Anya, sa pagpapalahi ay palagi kang susugal, walang kasiguraduhan kaya kung tataya ka rin lang ay doon na sa kursunada mo at least kung sumablay man ay kursunada mo naman.
“Kung nalilito sa pagpili ng inahin para hindi ka mahirapan ay isipin mo na ikaw ang ganador na kakasta, siguro naman ay tatama ka na sa pipiliin mo. Dapat magse-set ka ng target kung ano ba talaga ang plano mo hindi ‘yung breed ka nang breed na hindi mo naman alam ang patutunguhan,” sabi pa ni Doc Marvin.
“Ano man po ang kapintasan ay dapat out nang out. Madali lamang humanap ng super galing na manok pero hinding-hindi ka makakakita ng manok na siguradong mananalo!” dagdag pa niya.
The most critical stage during upbringing o pagpapalaki ng ating mga alagang manok ay ‘yung day 1 pagkapisa hanggang 6 na buwan ang edad kung saan dito naka-focus ‘yung pagtngkad.
“Pagdating 7-8 months old ay tigil na ‘yung pagtangkad nila at ‘yung nutrients na nakukuha nila sa kanilang tinutuka ay napupunta na sa body conformation kaya ang ideal age ng stag para ilaban ay 9 months old peak/ kalakasan niya iyan at ang pullet/ dumalaga naman ay kagandahan i-breed 9-10 months old,” aniya.
“Sa edad na 3 months dapat hinaluan na ng pakaunti-kaunting grains at pellets para ma-exercise na ‘yung balunbalunan kasi kung hindi po gumagana ang gizzard sila ay lumalalaki na ampaw o lambutin,” dagdag pa niya.
Comments are closed.