(‘Hindi kami catastrophe-proof’ – Gen. Marbil) 4,781 COPS BIKTIMA NG MAGKAKASUNOD NA BAGYO

UMABOT sa 4,781 pulis ang biktima ng mga mapaminsalang bagyong Kristine, Ofel at Pepito, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kasunod nito, pina­ngunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil ang pamamahagi ng assistance sa mga ito bilang inisyatibo na bigyan-pansin ang kapakanan ng kanyang mga tauhan na naglingkod sa bayan sa gitna ng kalamidad.

“This program is part of the PNP’s enduring promise to care for its people. Our policemen and their families are not only heroes who protect others—they are also individuals who experience the same vulnerabilities during disasters,”  ayon kay Marbil.

Sinabi ni Marbil na hindi sila catastrophe-proof at nabibiktima rin ng kalamidad at sa likod ng tsapa ay ang pagiging padre de pamilya, ina, anak at kapatid kaya sa kanilang pagtugon sa katungkulan naiiwan ang pamilya.

“Behind the badge is a father, mother, husband, wife, son, daughter, bro­ther, or sister. When disas­ters strike, they too are victims. It is our duty to help rebuild their homes and their lives,” dagdag ng PNP Chief.

Kabilang sa sinapit ng mga pulis ay mawalan ng bahay at masira ang kagamitan.

Ang PNP Engineering Response Team ay inatasan sa urgent repairs and restorations ng 774 damaged houses ng PNP personnel lalo na sa mga pinakasinalantang lugar sa Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 8, at Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa ngayon ay patuloy ang reconstruction efforts para sa mga biktimang pulis.

Tiniyak din ng lide­rato ng PNP na  rehabilitation program ay nanatiling priyoridad  bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga pulis na kasama sa disaster response unit.

“By helping our own people, we ensure that their heroism in helping others endures. This program is not just about rebuilding houses—it’s about rebuilding lives,”  ayon pa kay Marbil.

EUNICE CELARIO