SINAGOT ni ACT-CIS Cong. Eric Go Yap ang mga batikos ng oposisyon na “wrong timing” ang pagpapalit ng pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Paliparan Pambansa ng Filipinas.
Ayon sa mambabatas, dapat pagtuunan ng pansin kung papaano maibsan ang kahirapan ng bansa ngayong may pandemya.
Ayon kay Yap na chairman din ng Committee on Appropriations, “hindi po namin pinababayaan sa kongreso ang prob-lema natin sa COVID-19, Of course priority po iyan.”
“Pero hindi naman po lahat ng komite ng kongreso ay dapat nakatuon na lang sa COVID-19, marami rin po kasing isyu na dapat silipin”.
Aniya, “kung lahat na lang kami naka-focus sa COVID, paano ‘yung ibang problema tulad ng national budget next year, o ‘yung problema sa peace and order, drugs, at iba pa?”
Dagdag pa ng mambabatas, ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA ay kagustuhan na rin ng ilang tao at ito at panukala pa lamang.
“Nasa komite na po ‘yan kung aaprubahan nila o hindi,” pahabol ni Yap.
“Hindi po pwedeng umikot na lang ang buhay natin sa COVID-19. Kailangan ding pag-usapan pa rin ang kinabukasan ng ating bayan,” ani Yap. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.