HINDI LANG SA MATERYAL

Kabi-kabilang pag-alala kahapon sa ika -82 Araw ng Kagitingan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at maging mga grupo.

Ang Araw ng Kagitingan ay tinawag din na Fall of Bataan kung saan libo-libong sundalo o napilitang magsundalo para ilaban ang bansa sa panahon ng Hapon ang nasawi.

Hanggang ngayon, nakikipaglaban pa rin ang ating mga sundalo, hindi sa ibang lahi, kundi sa kapwa Pinoy na sangkot sa krimen at mga rebelde.

Kaya hindi pa rin masasabing tahimik na ang bansa dahil naitatala pa rin ang karahasan.

Sa panig ng ating mga sundalo at pulis, hindi lahat ng panahon ng pakikipaglaban ay sila ay nagwawagi.

Mayroong pagkakataon na nagagapi rin sila ang masaklap ay napapatay in line of duty.

Karaniwan na kapag mayroong namamatay nagiging pampalubag loob ang abuloy, award ang financial assistance.

Bahagyang maiibsan ang sakit subalit naroon pa rin, dahil namatay na ang isang sundalo o pulis na tumugon sa serbisyo.

Suportang moral at pagmamahal ang sangkap ng pakikidalamhati sa mga namatayan.

Samahan na rin ng debriefing at pagpapayo upang ibsan ang sakit sa pagkawala ng bayani.

Dahil ang salapi o material, gaya ng nasawi ay mawawala rin.

Inspirasyon ang ating mga bayani, ang kanilang kadakilaan at hindi lamang tuwing araw ng Kagitingan.