HINDI MAGSASAWANG MAGPAALALA: GISING NA, BANGON PILIPINAS

fr lucky acuna

MGA KABABAYAN, hanggang hindi tayo natatauhan at nagigising sa tunay nating pinagdaraanan at kalagayan sa kasalukuyan, baka huli na ang lahat kapag sumapit na tayo sa kati­nuan. Mapanlinlang ang pagkakataon, paulit-ulit na tayong nagkakamali at wala pa rin tayong ginagawa upang ituwid ang lahat. Marahil sanay na tayo sa hirap kaya mas gusto pa natin ang mas mahirap pa kaysa ang guminhawa. Na­ging manhid na ang iba sa atin dahil pagod na at wala nang magawa sa paulit-ulit na lamang na paglalaro ng mga may kapangyarihan sa mga maliliit, mahihirap at walang kalaban-labang mamama-yan. Kung kaya naman kapit patalim na tayong nakikipagsapalaran hindi upang magkaroon ng panlipunang pagbabago at pagkakaisa kundi nananaig na para sa atin ang pansariling interes upang iahon at iligtas na lamang ang sarili.

Lagi na lamang pagbabago ang ating isinisigaw gayong pabaya rin naman tayo sa pagpili ng nararapat, pangangalaga sa ating kapaligiran at kawalan ng pangarap sa buhay. Madali tayong mapaniwala ng mga nangangako kung kaya bandang huli tayo ay naipapako sa perwisyong kanilang ipinapapasan sa atin.

Katatapos lamang ng eleksiyon sa ating mga barangay. Maganda at angkop na sa maliit na pamayanan natin simulan ang tunay at totoong pagbabago. ‘Yun nga lang hindi lamang personalidad ang ating dapat tuwirin at panibaguhin kundi ang sistemang daratnan o nakasanayan na natin. Bunga ng siste-mang ito ang lantarang korapsiyon  at pagmamalabis sa kapangyarihan. Iba nga ba talaga ang epekto para sa ating mga Pilipino ang paghawak ng ka-pangyarihan? Lalo na kung hindi malinaw para sa mga manunungkulan ngayon ang kanilang pakay o layunin kung bakit sila ang dapat gumamit ng kapangyarihang ito. Gayong  ang kapangyarihang ibinibigay sa taong nais mamuno ay hindi upang maging mayabang, umabuso at magmalabis kundi mag­lingkod nang buong katapatan, isinasaalang-alang ang kapakanan ng taumbayan, kalikasan at kapayapaan sa patnubay at gabay ng Saligang Batas.

Pakatandaan natin, ang kapangyarihan ng tao ay hindi lamang nakadepende sa taumba­yang nagluklok kundi sa Saligang Batas. At ang taong na-mumuno ay walang kapangyarihang balewalain ito. ‘Yun nga lang, malinaw pa sa sikat ng araw ang mga pagmamalabis sa kapangya­rihan ng mga na-mumuno ngayon lalo na sa usapin ng pagbibingi-bingihan, pagbubulag-bulagan, pagiging manhid at walang pakialam sa banta at pa­nganib ng milita-risasyon ng Tsina sa mga teritoryo ng ating bansa.

Kung atin itong ipagkikibit balikat at babalewalain, hindi sa panahong kasalukuyan ang paghahasik ng lagim, patay na ang matatanda ng kasalukuyan kung mangyari man ito subalit malaki sana ang magagawa nating pagtatama kung sisimulan natin ang tama, maayos at mapayapang pagtutol sa milita-risasyon sa ating mga teritoryo ng Tsina.

Lagi na lamang tayong napaglalama­ngan, naiisahan, nadaraya, naloloko, at higit sa lahat ng ito, hindi pa rin tayo natututo. Hinati na tayo  sa ating pagkakaisa dahil banta ang boses ng demokrasya upang ang ating pagsasama-sama ay magwasto sa mga kamaliang ito. Kaya nga ba ang fake news ay ang naglalason sa ating kamalayan, fake news na ang ginagamit na panggastos ay galing mismo sa buwis ng taumbayan. Nakalulungkot isipin, ginigisa tayo sa sarili nating mantika at dito tayo nalilibang, nagkakaroon ng walang pakialam, at kung mayroon man ay nadadala tayo sa maling impormasyon at ito ang ating pinanghahawakan at pinaniniwalaang totoo.

Bakit ganoon, wala man lamang maglakas ng loob na itama ang mga maling nangyayari sa ating lipunan ngayon. Sa kawalang pakialam na ito, tayo ay hindi nalalayong hatulan sa idudulot ng ating kamang­mangan, kawalan ng pakialam at lalo’t higit sa hindi pagtindig sa katotohanan at sa nararapat natin gawin bilang mga Pilipino para sa ating Inang Bayan. Maraming nagbabantay sa korapsiyon, at masasabi nating: WOW! Dahil sila mismong nagbabantay ay ayaw maunahan. Maraming nagbabantay sa katarungan, pero sila mismo ngayon ang kumikitil ng buhay at gumagawa ng katiwalian. Marami ang dumidikit ngayon sa mga may kapangyarihan, dahil sila mismo ay may kanya-kanyang balak at may pansariling interes.

Nakakapagod isa-isahin ang lahat. Paulit-ulit na lamang. Pero kailan ka magigising mahal kong Pilipinas. Napasarap yata ang himbing ng iyong pagkakatulog dala ng kala­singan o ng opyo ng mga pangako.

Kung dati-rati, dayuhan ang nanloko sa iyo, masakit mang tanggapin ngayon, mga anak mo mismo ang nagnanakaw sa iyo, nagpapabaya sa iyo, umaabuso sa iyo.

Sana hindi pa huli ang lahat. May maglakas-loob sana sa mga may kapangyarihang magsimula sa pagtatama ng lahat ng ito.

Mayroon man akong kapangyarihan subalit hindi ito sapat sa kasalukuyan. Ang paggising sa pamamagitan ng sulating ito ay makapukaw sana sa ating kamalayang PAGKA-PILIPINO. Walang tutulong sa atin bilang bansa, kundi ang ating pagkakaisa bilang PILIPINO. Huwag nating hatiin at paghiwa-hiwalayin  ang ating iisang lahi. Huwag tayong padadaig sa pagkakanya-kanya, bilang pula o dilaw, dahil KAYUMANGGI ang ating kulay. Nagawa natin magkaisa noon, sana huwag nating limutin ang aral na ipinamalas at natutunan natin noon.

Para sa mga kabataan, nagsusumamo akong pataasin natin ang kalidad at kamalayan ng ating pagmamahal sa bayan. Huwag lamang tayong maku-long sa social media, lumabas tayo at makisangkot sa mga usapin, pag-aralan natin ang ating kalagayang panlipunan at maging kabahagi tayo ng solusy-on para rito. Malaki ang magagawa natin bilang pag-asa ng bayan. At ako ay lubos na naniniwala at nagtitiwala sa inyong magagawa. Marunong at matalino kayo sa inyong mga klase, sana sa labas ng inyong paralan, ipamalas ang inyong pinag-aralan at natutunan.

Bilang panghuli para sa Linggong ito, mga iginagalang kong sundalo ng Sandatahang Hukbo ng Pilipinas, malaki ang naging ambag ng mga bayani sa ating kasarinlan at sila mismo ang tumutol sa pang-aalipin ng mga dayuhan. Kayo po mismo, sa inyong sinumpaan, ang dapat mangalaga sa kalayaang ito at kung ano mang banta ang nangyayari sa paligid ng Pilipinas, maging buo nawa ang loob upang ipagtanggol ang ating bansa. Batid kong ito rin ang inyong niloloob. Harinawa na manaig lalo’t higit ang ating PAGKA-PILIPINO anuman ang mangyari. Dangal at karangalan pa rin ang ating pag-ingatan at huwag hayaang madungisan ng katiwalian at pang-aabuso ang ating hanay.

Pagpalain nawa tayo ng Diyos. Ang Kanyang biyaya at pagpapala ay laging sumainyo. Amen.

 

2 thoughts on “HINDI MAGSASAWANG MAGPAALALA: GISING NA, BANGON PILIPINAS”

  1. 46099 196107A person essentially lend a hand to make significantly articles I may state. That could be the very first time I frequented your site page and up to now? I amazed with the research you produced to create this certain publish incredible. Wonderful activity! 29718

  2. 657527 863878As I web-site possessor I believe the content material matter here is rattling great , appreciate it for your efforts. You must keep it up forever! Very best of luck. 658742

Comments are closed.