KAILANMAN hindi lumiban ang Filipino sa pagbabayad utang,
Ito ay maipagmamalaki natin kahit saan dako man.
Utang-Panlabas Sagrado at tapat nating nababayaran
Kaya nga Banyaga sa Filipinas walang Alinlangan!
Sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez…
Subok na ang Filipinas sa Pagbabayad-utang.
Kahit pa noong panahon na taghirap ang Sambayanan.
Kailan man sa pagbabayad utang hindi tayo Lumiban!
Tugon ito ng Kalihim ng pananalapi sa Batikos ng Marami,
Sa Gitna ng pautang ng China na napakalaki..
Gagamitin ang halaga sa mga Proyektong May Silbi…
Ang Chico River Irrigation at Kaliwa Dam..Hindi ba’t Matindi?
Kilala ang Filipino sa pagiging masikap at tapat,
Marunong tumanaw ng utang na loob kahit salat.
Kung ang proyekto ay pakikinabangan ng lahat,
Dapat na ituloy ito para sa kinabukasan at hinaharap.
Kung tutuusin naman at sadyang totohanan.
Hindi kapos ang gastusin nating inilalaan…
Trilyones na ang Pondo ng naghihirap nating Bayan…
nalubog tayo sa pagkakautang dahil sa mga Gahaman!
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.