(Hindi na kukumpiskahin ng BFAR)POMPANO, SALMON PUWEDE NANG IBENTA SA PALENGKE

BFAR-4

IBINASURA ng pamahalaan ang mga panawagan na itigil ang pagbebenta ng imported fish tulad ng pompano at pink salmon sa wet markets.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang hakbang ay kasunod ng rekomendasyon mula stakeholders at ilang mambabatas.

“Momentarily, the bureau shall revisit the regulations and policies governing the importation of fresh/chilled/frozen fish and fishery/aquatic products, particularly the Fisheries Administrative Order (FAO) No. 195 series of 1999, which authorizes the importation of these products for the purpose of canning and processing, and trade to institutional buyers,” pahayag ng regulator.

Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ng BFAR na kukumpiskahin nito ang imported fish sa mga palengke at tindahan simula sa Disyembre 4 dahil ipinagbabawal ito sa ilalim ng BFAR Fisheries Administrative Order No. 195.

Ayon sa BFAR, ang pompano at pink salmon ay maaari lamang ipagbili sa institutional buyers, kabilang ang hotels, restaurants, at mga kompanya sa canning at processing industries.

Gayunman ay kinuwestiyon ito ng ilang mambabatas at hiniling ang pagrepaso sa FAO 195.