HINDI NA OBLIGASYONG MAGBIGAY NG SUSTENTO NG LALAKI SA KANYANG ASAWA

Unang una sa lahat, Happy Father’s Day sa mga tulad kong ama na masaya at matagumpay na ginagampanan ang tungkulin bilang haligi ng pamilya. Ang tawag nga diyan sa wikang ingles ay isang ‘good provider’ sa kanyang asawa at mga anak upang ibigay at tugunan ang kanilang pangangailangan pang araw-araw.

Subalit may lumabas na desisyon ang Korte Suprema na ang kabiguan ng isang asawang lalaki na magbigay ng sustento sa kanyang kabiyak ay hindi nangangahulugan na paglabag sa batas sa ilalim ng Anti-Violence Against Women and their Children Act o Republic Act 9262.

Ang nasabing desisyon ay isinulat ni Justice Samuel Gaerlan, ipinaliwanag niya na ang obligasyon upang magbigay ng sustento o suportang pinansyal ng mag-asawa ay hindi lang bumabagsak sa kamay ng asawang lalaki. Ito raw ay “mutually upon both spouses” at hindi “one-way street for the husband to support his wife.”

Ayon pa sa nasabing desisyon ng Korte Suprema, ang asawang babae ay may karampatang obligasyon upang magbigay rin ng suporta sa kanyang asawa. Ang interpretasyon ng RA 9262, “did not intend to impose a heavier burden on the husband to provide support” or “institutionalize criminal prosecution as a measure to enforce support from him.”

Tila nagbago na ang panahon. Dati kasi ay obligasyon ng lalaki na maging kalabaw ng pamilya. Siya ang kakayod at magta-trabaho upang magbigay ng sustento para sa mga pangangailangan ng kanyang asawa at mga anak.

Ang pagbabago sa kaugalian ay maaaring bunga ng pagdami rin ng oportunidad ng mga babae na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan at maging matagumpay rin sa trabaho at piniling karera sa buhay. Marami na tayong nakikitang mga kababaihan na matagumpay sa ating lipunan sa larangan ng pulitika, negosyo, ekonomiya, siyensya at marami pang iba.

Subalit nahinto raw ang sustento at kinausap ng lalaki ang kanyang asawa na tumira muna siya sa kanyang mga magulang dahil nangangailangan ng tulong pinansyal ang isa sa kanyang mga magulang na may sakit na cancer. Dito nag-ugat ang panay na away ng mag asawa. Hindi rin pumayag ang asawa niyang babae sa nasabing pakiusap na tumira sa kanyang mga magulang pansamantala.Walang anak ang mag asawa.

Sa loob ng 13 years, walang komunikasyon ang mag asawa, kasama na rin dito ang hindi pagbigay ng sustento ng lalaki sa kanyang asawa. Naghanap naman ng ibang pagkikitahan ang babae. Ngunit tila bigo rin makapaghanap ng maayos na trabaho.

Ngunit noong 2016, nagsampa ng kaso ang babae sa kanyang asawa ng paglabag sa RA 9262 na ang nasabing lalaki ay “willfully, unlawfully and feloniously committed psychological violence and economic abuse” sa kanya. Iniwan daw siya at walang ibinigay na suportang pinansyal na nagresulta ng “substantial mental or emotional anguish, public ridicule or humiliation to his wife.”

Sinang ayunan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Lower Court. Ayon sa CA, nagkasala ang nasabing lalaking asawa sa kabiguang magbigay ng sustento sa kanyang asawa at nasistensyahan ng dalawa hanggang anim na taon sa bilangguan at magbabayad ng P100,000 bilang parusa kasama ang pagsasailalim sa ‘psychological counselling’.

Kinuwestiyon ito ng nasasakdal at ini-angat nga ito sa SC. Ayon sa lalaki, napilitan lang daw siya magpakasal sa babae. Noong 2002, sila ay nagpakasal at tumira sa inuupahang bahay. Ngunit noong 2004, umalis sa bansa ang lalaki upang magtrabaho bilang isang seafarer at regular na nagpapadala ng kanyang sahod sa kanyang asawa.
Ibinasura ng SC and desisyon ng CA dahil nakita ng korte na hindi gumawa ng hakbang ang babae na makipagbalikan at ayusin ang relasyon niya sa kanyang asawa. “The fact that she did not do anything whatsoever to get support prior to filing this criminal case casts serious doubt on her claim that she needed it,” ito ang nakasaad sa desisyon ng SC.

Dagdag pa ng Korte Suprema na hindi tama ang desisyon ng CA at nagkamali na maitatag na dapat pantay na nagtutulungan ang mag asawa sa hirap at ginhawa. “It has mistakenly tended to establish a unilateral and not a reciprocal obligation of support between the spouses.”

Mali raw ang pagpapalagay na ang asawang babae ay maghihintay lamang ng sustento mula sa kanyang asawa. ‘The CA decision was based on the “erroneous” presumption that the wife was dependent solely on the husband to provide her with a dignified life.”

Bagamat obligasyon nating mga asawa na gawin ang lahat upang buhayin ang ating pamilya sa pagiging masipag at matiyaga, ang mga babae rin ay may obligasyon na tumulong upang masiguro na buo at matatag ang kanilang pamilya.

Marami na ngayon na ang parehas na mag asawa ay nagtatrabaho. Ito na ngayon ang makabagong sistema ng mag asawa. Madalang na ang dating kaugalian na ang lalaki lamang ang naghahanapbuhay samantalang ang kanyang asawa ay nasa kanilang tahanan lamang ang naghihintay ng sustento mula sa kanyang asawa sa mga pangangailangan sa kanilang tahanan.