NAGLAAN ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng pondo para mabayaran ang mga pamilyang Navoteño na hindi nakatanggap ng P8,000 second tranche ng Bayanihan 1 Social Amelioration Program (SAP).
Dadagdagan ng Pamahalaang Lungsod ang natitirang P3,000 dahil 2,939 Navoteño families ang unang nakatanggap ng kanilang P5,000 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) noong Oktubre 2021.
Maagang ibibigay ng Pamahalaang Lungsod ang P3,000 na dapat matatanggap ng 1,881 family-beneficiaries na validated noong Disyembre 2021 bilang bahagi ng kanilang SAP second tranche.
“We learned that these beneficiaries will only get P5,000, not P8,000 as originally intended for the SAP second tranche,” anang alkalde ng lungsod kaugnay sa ilalim ng DSWD-NCR na tinalakay din sa online meeting kasama ang mga kinatawan ng nasabing ahensiya.
Sinabi ng DSWD na ang mga hindi nabayarang kuwalipikadong benepisyaryo ng SAP second tranche at ang mga nakatanggap ng kanilang paunang payout noong Oktubre 2021 ay pinapayagan lamang ng maximum na P5,000 subsidy sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, 2,939 Navoteño SAP second tranche beneficiaries ang nakatanggap ng P5,000 sa ilalim ng AICS program ng DSWD.
Kinakailangan kunin ng departamento ang pondo mula sa isa pang programa habang ang Bayanihan to Heal as One Act ay nag-expire na noong 2020.
Ngayong taon, 1,881 benepisyaryo na sumailalim sa validation noong Disyembre 21-23, 2021 at nakumpirmang hindi pa nila natatanggap ang kanilang second tranche ay parehong makakakuha ng parehong halaga sa ilalim ng AICS.
Gayunpaman, ang pagbabayad ay kailangang ay kailangang maghintay hanggang sa mailabas ang P2 bilyong budget para sa AICS. EVELYN GARCIA