HINDI PAG-ANUNSIYO SA BRAND NG VACCINE, MAY NEGATIBONG EPEKTO

Sherwin Gatchalian

covidNAGBABALA si Senador Win Gatchalian sa posibleng negatibong idudulot sa National vaccination program ng pamahalaan sa hindi pag-aanunsiyo ng brand ng bakunang ibibigay sa vaccination site.

Sinabi ni Gatchalian, maaari itong magdulot ng takot at dahilan para umurong sa marami na magpabakuna.

Mas magiging kampante umano ang publiko na magpabakuna kung alam nila kung ano ang ituturok sa kanila at hindi rin kailangan itago ang brand dahil alam nila ang epekto nito.

Tulad umano sa Valenzuela na kabisado ng mga senior citizen ang efficacy rate ng bakuna at alam din ang tungkol sa vaccine passport.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inatasan ang mga lokal na pamahalaan na huwag ianunsiyo ang vaccine brand matapos na dumugin ang isang vaccine site nang ianunsiyo ang gagamiting bakuna.

Mungkahi naman ni Gatchalian na lumabas si Pangulong Duterte, Vice President Leni Robredo, liderato ng Senado at Kamara at kilalang mga personalidad para manghikayat na magpabakuna matapos na sabihin sa survey na 30% lang ng mga Filipino ang gustong magpabakuna. LIZA SORIANO

28 thoughts on “HINDI PAG-ANUNSIYO SA BRAND NG VACCINE, MAY NEGATIBONG EPEKTO”

  1. 762869 101893An intriguing discussion will probably be worth comment. Im certain which you require to write much more about this subject, it might not be a taboo topic but typically consumers are too couple of to chat on such topics. To another. Cheers 147284

Comments are closed.