NILINAW ng Bureau of Corrections (BuCor) na isang New Bilibid Prison Regional Office at hindi Penitentiary ang kanilang itatayo sa Masungi Georeserve sa may Rizal.
Ito ang naging pahayag ni BuCor acting chief Gregorio Catapang sa nauna nang pahayag ng Masungi Foundation sa kanilang online platform post na ang naturang site kung saan nagsagawa ng area inspection ang nasa 20 kawani ng BuCor sa relocation site umano ng New Bilibid Prison.
Ayon pa kay Catapang, may mga plano rin na gawing one stop shop ang kasalukuyang National Penitentiary sa Muntinlupa City para sa government transactions habang dinidevelop pa ang ibang nakatiwangwang na lupang pagmamay-ari ng BuCor sa Puerto Princesa city, Davao del Norte, Mindoro, Leyte at iba pang lugar.
Sinabi pa ni Catapang na mayroong land property doon ang naturang ahensiya na nasa mahigit sa 270 ektarya ay pawang mga kawani ng BuCor.
Subalit, ayon sa Masungi na ang naturang lugar ay bahagi ng Lot 10 na tahanan ng fragile limestone formations ng Masungi Georeserve at bahagi ng ilang protected at conserved areas.
Dagdag pa ng Masungi na ang lugar ay mabundok at geologically unbuildable.
Ayon naman sa paliwanag ni Catapang na ang planong konstruksiyon ng kanilang opisina sa lugar ay hindi makakasira o makaka-apekto sa conservation area. EVELYN GARCIA