(Hindi po biro ito. EVACUATE NOW! -DILG) 10 MILLION KATAO MAAAPEKTUHAN NI PEPITO

NAKA-FULL alert ngayon ang lahat ng ahensiyang nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council partikular ang kanilang operating arms, ang Office of Civil Defense sa posibleng ang epekto ng Super Typhoon Pepito na tatama sa malaking lugar sa Luzon kung saan daraanan ang mga lugar na una ng hinagupit ni Tropical Storm Kristine.

Ayon kay Undersecretary Ariel Nepomuceno, executive director ng OCD, kanilang pinaghahandaan ang posibleng impact ng bagyo sa may 10 million indibidwal sa kanilang inilatag na disaster planning, dahil sa inaasahang epekto ni ‘Pepito’ (international name: Man-yi) sa buong Luzon island at malaking bahagi ng Visayas region.

Inihayag pa ni Usec Nepomuceno na dahil sa nakikitang lakas at lawak ng sinasaklaw ng bagyong Pepito ay kanilang pinaghahandaan ang worst case scenario kung saan pinangangambahan nila na kung gaano karaming ulan ang ibinuhos ni Kristine ay uulitin ni Pepito.

“The agency is preparing for a worst-case scenario, with events similar to those that occurred during Typhoon Kristine (Trami) in late October likely to happen in Nepomuceno.

Sa pagtataya ng state weather bureau ay posible umanong lumikha ng limang metro hanggang 7 metrong taas ng storm surge na maaaring manalasa sa mga baybaying komunidad kaya maging ang Department of Interior and Local Government ay nanawagan na sa mga LGU at maging sa mga barangay opisyal na pangunahan na ang preemptive evacuation sa mga residenteng nasa low lying areas at mga naninirahan sa mga coastal barangay.

“Ngayon pa lang ay may pakiusap na kami sa lahat ng coastal barangays sa mga lalawigan na ilisan na ang mga tao sa lugar na mula sampung metro sa dagat. Ang storm surge na posibleng mangyari ay lagpas bahay ang pasok ng dagat sa baybayin,” ani SILG Jonvic Remulla.

“Prepare for storm surges as high as 7 meters, EVACUATE NOW…panawagan ng Sec Jonvic.

Una ng inihayag ni Pangulong Marcos na “All Systems in Place for ‘Rapidly Intensifying’ Typhoon Pepito, Warns of Fatal Storm Surges.”

“We have everything that we need to have in place. We have very little time to prepare,” ani Marcos.

Tiniyak naman ni Defense Secretary and NDRRMC chair Gilberto Teodoro Jr. na tuloy tuloy ang kanilang koordinasyon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para sa detalyadong weather forecast.

VERLIN RUIZ