HINDI PUMAPAYAT ANG NAGPUPUYAT

NAGPUPUYAT

(ni CHEN SARIGUMBA-JUSAY)

MARAMING tao na gustong pumayat pero lagi namang puyat. Inaakala ng ilan na ang pagpupuyat ay isa sa dahilan para sila ay pumayat pero ang totoo hindi ito nakatutulong. Bagkus, ang pagpupuyat ay isa sa dahilan kung bakit tumataba o nadaragdagan ng timbang ang marami sa atin.

Hindi nga naman maiiwasan ang pagpupuyat dahil na rin sa dami ng mga kailangang gawin o obligasyon—sa trabaho man iyan, pamilya o maging sa sarili.

Marami rin sa atin na panggabi o gabi ang oras ng trabaho kaya talagang hindi maiiwasang mapuyat sila. Kumbaga, nababaliktad na ang oras ng pag-tulog sa oras kung kailan sila dapat na gi­sing.

Ngunit ano’t ano pa man ang dahilan ng pagpupuyat, dahil man sa trabaho o sa mga kinahihiligang palabras o paglalakwatsa kasama ang mga kaibig-an, importanteng naiiwasan natin ito hangga’t maaari. Mahalaga ring nalalaman natin ang epekto sa katawan ng pagpupuyat nang maging aware tayo.

DAHILAN KUNG BAKIT NAKATATABA ANG PAGPUPUYAT

Marahil ay marami sa atin ang nagtataka kung paanong nakatataba ang pagpupuyat. Gayunpaman, napakaraming dahilan kung bakit ang kakulangan sa tulog o pagpupuyat ay isa sa dahilan ng pagdaragdag ng timbang.

Pansinin na lang natin, kapag nga naman nagpupuyat ang isang tao, mas marami itong panahong maghanap ng makakain.

Kung mas mahabang oras na gising ka ay mas maraming pagkakataon na mararamdaman ng katawan mo ang gutom. Kadalasan kumakain tayo ng tsokolate o iba pang matatamis dahil iniisip nating makatutulong ito para mapanatili nating gising ang ating sarili.

Kapag nawala na ang epekto ng tamis sa ating katawan ay mararamdaman ulit natin ang pagkagutom kaya’t hahanap ka ulit ng makakain. Hindi lang matatamis ang hinahanap ng ating katawan kapag nagpupuyat tayo kundi nagkakaroon din tayo ng junk food cravings. Alam nating ang matatamis at maaalat ang pangunahing dahilan kung bakit tumataba ang tao.

Ilagay natin ang sarili natin sa sitwasyon ng isang taong laging nagpupuyat. Kung hindi rin naman mahalaga ang gagawin mo mas mabuti pang matu-log ka ng maaga. Ikumpara natin ang dalawang sitwasyon, kapag maaga kang natulong ay hindi mo maiisip na kumain. Kapag nagpuyat ka mas mahaba ang oras mo ng pagkatakam.

Habang nagpupuyat ka rin ay mas lalong napalalakas ang kain mo kinabukasan dahil binabawi ng katawan mo ang kakulangan ng tulog sa pama-magitan ng pag­hahanap ng iba’t ibang klase ng pagkain.

Kaya’t sa tuloy-tuloy na pagpupuyat, maa­aring maging sanhi ito ng pagiging obese o pagkakaroon ng diabetes.

Sa gabi ay hindi na aktibo ang ating katawan kumpara mo sa umaga na marami kang ginagawa at nakakapaglakad-lakad ka. Sa gabi madalas nakaupo o nakahiga lang tayo kaya naman hindi na nito natutunaw ang mga pagkaing kinakain natin.

Nahihirapan din ang ating katawan na tunawin ang mga pagkain at mas malapit tayo sa pagkakaroon ng problema sa pagtunaw nito.

PARAAN PARA BUMABA ANG TIMBANG

Maraming nahihirapan sa pagpapapayat at ang ilan diyan ay ayaw kumain ng marami. Sa totoo lang hindi mo kailangang gutumin ang sarili para lang makapagbawas ng timbang. Mas mabuting kumain ka ng maraming beses pero pakaunti-kaunti lang kaysa sa isahan o maramihan. Mas mahihirapan ang katawan mong tunawin ang mga pagkain kapag marami kang kinain sa isang upuan.

Kapag ginugutom mo rin ang sarili, mas nagkakaroon ka ng pagkanais o pagkatakam sa mga pagkain kaya naman hindi maiwasang maparami ang kain mo. Hindi rin maganda ang nagpapalipas ng gutom dahil mas marami kang sakit na maaaring makuha mula rito.

Huwag mong gutumin ang sarili ngunit limitahan lamang ang pagkain at huwag masyadong magpakabusog. Kumain ng tama at iwasan ang magpakabusog ng todo na para bang hindi ka na makahinga.

Maiiwasan din ang pagtaba o pagdaragdag ng timbang kung iha-handle ng mabuti ang stress o iiwasan ito. Dahilan din kasi ng pagtabi ang stress. At habang stress ka, mas mapakakain ka ng marami. Kaya naman, iwasan o i-handle ng mabuti ang nadaramang stress. Gumawa rin ng mga pa­raan nang makayanang malampasan ang stress na kinahaharap.

Alagaan natin ang ­ating sarili. Dahil tandaan natin, ang kalusugan ang siyang kayamanan natin. (photos mula sa medicalnewstoday, ormc.org)

32 thoughts on “HINDI PUMAPAYAT ANG NAGPUPUYAT”

  1. 121921 680397Id ought to seek advice from you here. Which is not something I do! I adore reading an write-up that could make men and women feel. Also, a lot of thanks allowing me to comment! 587858

Comments are closed.