Long-standing joke na ang term na anak ni Janice de Belen na ang ibig sabihin ay tiyanak. For a time kasi, bago pa nabansagang Queen of Horror Films si Kris Aquino, si Janice na ang nauna dahil sa pelikulang Tiyanak na hanggang sa ngayon nga, kahit ilang dekada na ang nakararaan, ay popular topic pa rin.
We all know na single mother si Janice, at sa kabila ng lahat ng mga pagsubok sa buhay, napalaki niya ng maayos ang lahat ng kanyang mga anak.
Among them, pinakasikat siguro si Kaila, second youngest of Janice’s children kay John Estrada. Nakagawa siya ng sarili niyang pangalan na walang tulong mula sa mga sikat na magulang. Ang iba pa niyang mga kapatid ay sina Inah, Moira at Yuan.
Catherine Janice Yap de Belen ang tunay na pangalan ni Janice de Belen at isinilang noong November 9, 1968. Kabebertdey lang niya kaya naisipan nating i-feature. In the first place, talaga namang isa na rin siyang legend sa Pelikulang Pilipino.
So, nakilala natin siyang Janice de Belen, isang napakahusay na Filipino actress na minsang nabigyan ng titulong “Queen of Horror-Drama”
Noong 1986, namayagpag ang kanyang career sa mga pelikula at TV soaps, pero saglit na nahinto nang mabuntis siya sa edad na 18 years old. Open secret naman ito. Si aga Muhlach ang ama ng kanyang anak na kilala ngayon bilang Chef Luigi — pagluluto ang napili niyang career.
Nakapartner ni Janice si Aga sa mga pelikulang Erpat kong Forgets, Napakasakit Kuya Eddie, Bakit Madalas ang Tibok ng Puso, When I Fall in Love at marami pang iba, at nadebelop nga sila at nakalimot sumandali, na nagbunga ng isang Iggy Boy.
Ang maganda kay Janice, inanunsyo niya sa publiko ang kanyang pagbubuntis. Hindi siya nagplanong ipalaglag ito, kahit pa alam niyang maapektuhan ang kanyang career.
Nag-alok daw naman ng kasal si Aga, pero si Janice mismo ang tumanggi dahil napakabata pa nila noong panahong iyon, at feeling niya, hindi pa sila handang lumagay sa tahimik. Well, nag-break nga sila eventually, pero nanatili silang magkaibigan. At kapwa rin sila nagkaroon ng ibang pamilya. Si Janice, nagpakasal kay John Estrada, at si Aga naman, happily married pa rin ngayon kay former beauty queen Charlene Gonzales.
Si Luigi ‘Iggy Boy’ Muhlach naman na kanilang anak, ay kapwa malapit sa apat niyang half-sisters kay Janice at sa kambal ni Aga na sina Andres at Atasha.
Kung happily married si Aga, minalas naman si Janice sa second love niyang si John — na balita namin ay posibleng makipaghiwalay na rin sa asawang si Priscilla Meirelles, isa namang Brazillian beauty queen.
Napansin ba ninyong lahat ng ipinapalit kay Janice ay mga beauty queens? Kahit nga ang naging dahilan ng paghihiwalay nina John at Janice na si Vanessa del Bianco ay dati ring beauty Queen. Dati kasing host ng Magandang Tanghali Bayan sina Vanessa at John at nagkarelasyon sila. Nakipaghiwalay si Janice kay John noong 2001 at na-annul ang kanilang kasal noong 2004. Eventually, ikinasal na naman si John kay Priscilla dahil nakipag-break siya kay Vanessa. Pero napakaganda rin naman talaga ni Janice. Kung hindi lang siya kulang sa height, malamang, manalo din siya sa beauty contest.
Noong 1988, sumikat ang horror movie na “Tiyanak,” na pinagbidahan nga ni Janice de Belen. Inampon niya ang isang sanggol na isa palang tiyanak.
Inah de Belen, who is now an actress herself, shared what it was like to grow up as an unofficial scary movie icon in a special Halloween episode of GMA’s Pinoy Klasiks.
At first, Inah said she didn’t even understand the whole “Anak ni Janice” craze when people kept teasing her about it.
“Kasi balbon ako, so pag inaasar nila ako, lagi nilang sinasabing, ‘Tiyanak!’ gan’yan,” she said.
Dahil sa sobrang sikat na pelikulang ito, dumanas talaga ng bullying sa iskwelahan ang mga anak ni Janice. Ito kasi ang Pinoy cult classic na naging simula ng kasabihang “Ayan na ang anak ni Janice,” — yung tiyanak — na in fairness, nalusutan ni Luigi, pero hindi ng mga kapatid niyang babae.
Pero sa gaganda ng mga anak ni Janice — kanino naman magmamana kung pangit, eh, guapito rin naman si John — mapapagkamalan ba talaga silang tiyanak?